TREE OF PRISONERS
ELREN POV.
Nagpatuloy kaming dalawa ni itay sa paglalakad hanggang sa
nakalabas na kami ng tuluyan sa Nayon. Kitang kita ko ang kulay berdeng patag
na lupain na siyang napakagandang tignan. Damang dama ko rin ang hangin na
siyang nililipad ng bahagya ang aking suot na balabal.
May iilang malilit na puno ang makikita sa patag na lupain
na siyang nagpaganda lalo sa paligid. Hindi ko maiwasang mapanganga habang
nakangite ng malapad at tinatanaw ang buong paligid.
“ang ganda tay” yan na lamang ang aking naisaad habang
palingalinga sa buong paligid saka napatingin kay itay.
“kaya nga anak, maganda ang lugar na ito at tahimik” ang
nakangiteng saad ni itay na nakatingin din sa akin saka niya itinaas ang
kaliwang kamay at ipinatong saaking ulo sabay gulo ng aking buhok.
Ngayon
lang ako nakakita ng ganito kagandang tanawin kahit sa nakaraang buhay ko.
hindi ko alam na ganito pala kaganda sa labas ng Nayon.
“tara na anak aabutin pa tayo ng mahigit tatlumpung minuto
para marating ang gubat” ang saad ni itay saka inalis ang kamay sa aking ulo at
nagsimula na itong maglakad sa daan.
Nagsimula na rin akong maglakad sa tabi ng aking ama habang
palinga-linga sa paligid ko. ilang minuto lamang ang nakakalipas sa aming paglalakad
ni itay at nakakalayo na kami sa Nayon.
Napalinga ako sa likod at hindi ko maiwasang mamangha lalo
ng makita ko ang kabuuan ng Nayon mula sa aking kinatatayuan kahit na nakikita
ko rin ito sa bahay ngunit naiiba ngalang ito dahil kabuuan mula sa harap ng
Nayon ang aking nakikita.
“ang ganda” yan lamang ang aking nasabi dahil sa galak na
nararamdaman ng makita ko ang magandang tanawin ng aming Nayon. napatingin
akong muli sa daan habang patuloy lamang sa paglalakdad at mahigit sa bente
minutos ang nakalipas ay natanaw ko na mismo ang malalaking puno sa gubat.
“malapit na tayo anak” ang saad ni itay saka napatingin ito
sa akin habang patuloy lamang kaming dalawa sa paglalakad. Napatingin naman ako
sa kanya at napangite habang nililipad lipad ang aking suot na balabal dahil sa
hangin.
“kaya nga po itay, sana makakita tayo ng mga prutas at gulay
sa loob ng gubat.” ang aking nakangiteng saad habang naglalakad at nakatingin
lamang sa malayo patungo sa gubat.
“sana nga anak para naman makatipid tayong dalawa sa
gastusin” ang pag-sangayon naman ni itay sa akin. nagpatuloy lamang kaming
dalawa sa paglalakad at sa bawat hakbang namin ay mas lalo kong nakikita ng
malapitan ang gubat. sa bawat minuto na lumilipas ay sya ring palaki ng palaki
ng mga puno na nakikita ko sa gubat.
Ilang minuto ang nakalipas at tuluyan na naming narating ang
bukana ng gubat na siyang ikinatulala ko habang nakatingala. Kitang kita ko
mula sa malapitan ang higanting puno na maihahalintulad sa giant sequoia sa
aking mundong pinagmulan noon.
Hindi ko
alam na ganito pala kalaki ang mga puno dito sa gubat.. masyadong malaki at
sobrang taas kung saan tyak ako na simuman ang madaganan nito ay wala ng
pag-asang mabuhay.
“ibang klase naman po ang mga puno dito sa gubat tay.. isang
puno ay makakagawa ka na ng isang malaking bahay.” ang aking saad habang
nakatingala parin at tinitignan ang matangkad na puno sa aking harapan.
“ganun na nga anak at marami ring mga hayop at mga tanim sa
loob ng gubat na pwedeng makain at magamit.” Ang saad ni itay habang nakatingin
ito sa akin at napatingala rin sa punong aking tinitignan.
“tara na po itay gusto ko na pong makita kung paano kayo
mangaso ng hayop at gusto ko rin pong matuto” ang aking masiglang saad kay itay
saka lumapit sa kanyang kinaroroonan. Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay
saka ko ito hinila ngunit napakalaking tao ni itay kaya hindi ko ito mahila
hila.
“o siya tara na at tuturuan kita kung anong sekreto ko para
mangaso anak.” ang nakangiteng saad ni itay saka ako tumigil sa paghila sa
kanyang kamay. napangite ako ng malapad dahil sa pananabik saka nagsimula
kaming dalawa humakbang papasok sa gubat.
Naglakad kaming dalawa sa loob ng gubat kung saan ay
napapalibutan kami ng mga higanteng mga puno habang hawak hawak ko ang kamay ni
itay. nakakalayo na rin kami sa bukana ng gubat kung saan ay palinga linga si
itay upang humagilap kung may hayop na gumagala samantalang ako ay palinga
linga dahil sa pagkamangha sa paligid.
Nakakatakot ngunit at parang lalagnatin ako dahil sa mga
punong nakapalibot sa akin ngunit hindi ko maiwasang mamangha dahil sa
malalakas na huni ng mga ibon at ang ganda ng paligid.
Sa ilalim ng malalaking puno ay naroroon ang mga kakaibang
tanim na hindi ko nakita sa mundong pinagmulan ko. may mga kakaibang insekto
rin akong nakikita ngunit mas napagtuunan ko ng pansin ay ang lumilipad na
insekto. May kakaibang pakpak ito kung saan ay kulay asul na lumiliwanag at may
maliliit na berdeng kulay sa paligid nito ngunit bigla na lamang itong lumipad
palayo.
Hindi ko namalayan na lumalalim na pala kaming dalawa ni
itay sa gubat dahil sa pagkamangha ko sa paligid. Hawak hawak ko parin ang
kamay ni itay ng bigla na lamang itong napatigil sa paglakad.
“Ren, tignan mo oh” Napatigil nalang din ako at napatingin
sa kanya habang nagtataka kung bakit kami tumigil. Napatingin ako sa kung saan
nakatingin ang mga mata ni itay at nagulat na lamang sa nakita.
Isang malaking boarhorn na parang baboy ramo kaso ngalang ay
may sungay ito sa kanyang nuo at masyadong malaki. Nakatayo ito sa malaking
puno na napapalibutan ng kakaibang damo kung saan ay kinakain niya ito.
“shhhh wag kang maingay anak” ang mahinang saad ni itay
saakin saka niya binitawan ang aking kamay na nakahawak sa kanya at inilapit
ito sa kanyang tagiliran. Hinawakan nito ang kanyang espada at dahan dahang
binunot mula sa lagayan nito.
Napatango na lamang ako at hindi maiwasang mapangite dahil
sa laki ng boarhorn. Tahimik lamang ako at tuluyan ng nabunot ni itay ang
kanyang espada at tinutok ito sa boarhorn.
Tyak ako
na aabot sa isang buwan ang ganyan kalaking boarhorn mukhang siniswerte yata
tayo ngayon araw. marami raming karne ang makukuha sa isang boarhorn at ang
kanyang sungay ay pwedeng ibenta depende sa laki.
Nakita ko si itay na dahan dahang humakbang papalapit sa
kinaroroonan ng hayop. Hindi ko maiwasang mapalunok ng laway dahil sa aking
nakikita ng bigla na lamang nakaapak si itay ng malaking sanga ng kahoy sa
kanyang paghakbang.
Gumawa ng ingay ang pagkakaapak ni itay sa sanga na siyang
dahilan ng marinig ito ng boarhorn at napatingin sa amin kung saan agad na
napatakbo ito palayo ng makita kami.
“wag kang aalis dito Ren… Hindi pwedeng makatakas ang
malaking hayop na iyon” ang saad ni itay at agad na hinabol ang hayop sa kung
saan ito tumakbo.
“tay sandali!” ang aking pagsigaw at agad namang tumakbo
upang pigilan si itay ngunit masyadong mabilis ang pagtakbo ng hayop na siyang
binilisan rin ni itay ang pagtakbo upang mahabol ito.
Hindi ako nakinig kay itay at patuloy lang din sa pagtakbo
upang mahabol ito ngunit hindi ko na ito makita pa. hingal na hingal na rin ako
na siyang pagbagal ng aking takbo at napatigil sa ilalim ng puno.
Isinandal ko ang aking kaliwang kamay sa malaking puno
habang humihinga ng malalim at mabilis upang habulin din ang aking paghinga.
Ang bilis namang tumakbo ni itay
Palinga linga ako sa paligid at hindi ko na alam kung nasasaan
na ba ako at hindi ko na rin maalala kung saan ako galing dahil sa kakahabol.
Pano na
ito ngayon at hindi ko alam kung saan ang daan pabalik… first time ko pa namang
sumama kay itay at ngayon naliligaw na ako.
Pagkalipas ng ilang minuto ng pagpapahinga ay Inalis ko ang
aking kamay na nakasandal sa puno at nagsimulang maglakad sa paligid ng naging
normal na ang aking paghinga.
Naglalakad lamang ako sa ilalim ng mga higanteng puno na
nakapalibot sa akin at hindi alam kung saan ako patungo. Habang naglalakad at
palinga linga sa paligid ay napahinto na lamang ako ng may kumuha sa aking
atensiyon.
Hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko
ang iilang palumpong na nakatanim. Bigla na lamang gumihit ang malaking ngite
sa aking mukha dahil sa nakita.
prutas ba
iyon? Sabi ni itay ay may mga ligaw na prutas at gulay na tumutubo sa paligid
ng gubat. tyak akong matutuwa si itay nito.
Naglakad ako patungo sa mga palumpong kung saan ay may mga
malilit at maraming bunga ang nakapalibot dito. natigil ako sa harap ng isang
palumpong at nakita ng malapitan ang kakaibang bunga nito.
kakaiba ang kanyang mukha na para bang berry ngunit ang dulo
nito ay parang isang nakatiklop na bulaklak. naiiba rin ang kanyang kulay kung
saan ay parang pinaghalong pula,lila at asul.
“ngayon lang ako nakakita ng kakaiba at napakagandang bunga
ng palumpong.” tinignan ko ng mabuti ang bunga nito saka ko itinaas ang aking
kanang kamay at inilapit sa maliit na bunga nito upang pitasin.
“ah!”nagulat nalamang ako at agad na binawi ang aking kamay
ng may naramdaman akong kirot sa aking daliri dahil sa matulis na dahon ng
palumpong.
Napatayo ako ng tuwid saka ko sinipsip ang daliring natusok
dahil sa kirot na nararamdaman ko mula dito. inilas ko ang pagkakasipsip sa
aking daliring natusok at tinignan ito saka ko nalamang nakita ang paglabas ng
dugo na parang patak.
“Sakit namang makatusok ng tanim na ito” ang aking saad at
ramdam ko pa ang kirot nito sa aking daliring natusok at namumuong patak ng
dugo na siyang ipinahid ko sa aking damit.
Inilapit kong muli ang aking kamay sa kakaibang bunga ng
palumpong saka ito kinurot gamit ng aking hinlalaki at hinlalato mula sa
tangkay nito at marahang pinitas upang maiwasang matusok muli.
Tuluyan ko na itong pinitas at marahang inilapit sa aking
mukha na siyang ikinagulat ko nalamang ng makita ang nangyari sa bungang
pinitas ko.
Dahan dahang bumukadkad ito mula sa pinakadulo na siyang
ikinalaki ng aking mga mata dahil sa nakikita. Hindi ko maiwasang mamangha at
magulat dahil sa pamumukadkad ng hawak kong prutas hanggang sa tuluyan na itong
maging hugis bulaklak na may limang parang petals at may bilog sa gitna.
Tuluyan na itong namukadkad at bigla na lamang akong may
naamoy na kakaibang aroma na nanggagaling mula sa bulaklak. isang amoy na para
bang halimuyak ng isang bulaklak at prutas.
Ngayon
lang ako nakakita ng ganitong klaseng prutas kahit ang kulay palang nito ay
kakaiba na ngunit ang bumukadkad pagkapitas? Ngayon ko lang ito nalaman.
Tinitignan ko ng mabuti ang hawak kong bunga saka ko
iginalaw ang aking kamay upang tignan ang palibot nito. ganun parin ang kulay
nito ngunit mas lalo itong nakakaakit tignan dahil sa kanyang pamumukadkad.
siguro ay
mabuting ipakita ko muna ito kay itay upang alamin kung anong klaseng bunga ang
isang ito at hindi ko rin alam kung pwede nga ba itong makain.
Itinaas ko ang aking kaliwang kamay papunta sa aking leeg at
tinaggal ang nakabuhol na tela sa aking balabal upang matanggal ito at mahubad.
Lumuhod ako sa lupa saka inalis ang balabal na suot sa aking
katawan at inilatag ito saka ipinatong ang hawak kong kakaibang bunga sa gitna.
Napangite na lamang ako at napatayo sa aking pagkakaluhod
saka lumapit sa palumpong na napapalibutan ng kakaibang bunga. Dahan dahan kong
inilapit ang aking kamay upang maingat na mapitas ang bunga nito at maiwasang
matusok muli.
Pagkapitas ko ng bunga ay dahan dahan na naman ulit itong
bumukadkad sa aking kamay na siyang aking ikinamangha saka ito pinapatong sa
nakalatag kong balabal sa lupa.
Nakakamangha
naman ang bungang ito na siyang namumukadkad habang pinipitas… hindi na ako makapaghintay
na ipakita ito kay itay upang malaman na rin kung anong klaseng tanim ito.
Nakailang pitas pa ako ng bunga saka ito nilagay sa balabal
at nakitang nakarami na ako kahit na sa iisang palumpong lamang ako pumipitas.
Nakita ko na mahigit sa benteng bunga na ang aking napitas
na siyang may laki ng mahigit sa isang puldaga. Iniyuko ko ang aking katawan at
hinawakan ang bawat dulo ng balabal saka tinali ito sa bawat dulo ng mabuti
upang gawing pambalot sa bungang napitas ko.
Nang masiguro kong nakabalot at nakatali na ito ng mabuti ay
agad ko itong binitbit ng aking dalawang kamay saka napatuwid ng tayo habang
nakatingin sa nakatiklop na balabal.
Pwede na
siguro ang dami nito.. sana ay pwedeng makain ang isang ito at tyak akong
malaking tulong ito sa aming dalawa.
Napangite nalamang ako sabay angat ng aking ulo saka
nagpalinga linga sa paligid. Dahil sa mala higanteng mga punong nakapalibot sa
gubat ay hindi gaano nasisinagan ang paligid. ang ngite sa aking mukha ay
napalitan ng pag-aalala ng makita ang paligid.
“nakalimutan ko na atang naliligaw parin ako sa gubat. “asan
na kaya si itay?” Nagpalinga linga ako
upang aalahanin kung saan ako nanggaling habang bitbit sa aking harapan ang
nakatiklop na balabal.
Napabuntong hininga ako ng malalim saka nagsimulang maglakad
habang palinga linga sa paligid. Nakaangat ng bahagya ang aking ulo at hindi
parin maiwasang mamangha sa nakikita at sa mga huning naririnig na para bang
musika sa tenga.
Asan na
kaya si itay? sana ay magkita na kami kahit na parang imposible dahil sa lapad
ng gubat na ito. kumpara sa punong nakapalibot sa akin ay para lamang akong langgam
dahil sa malahiganting laki nito.
Patuloy lamang ako sa paglalakad habang yakap yakap sa
harapan ang nakatiklop kong balabal at hindi ko namalayan na napapalalim na ako
sa gubat malayo sa kung saan ako nagmula. Palinga linga lamang ako sa paligid
habang naglalakad ngunit napatigil na lamang ako dahil sa nakita.
Hindi kalayuan sa aking kinatatayuan ay kitang kita ko ang
kakaibang higaneting puno na para bang may nakapulupot mula sa ilalim ng lupa
pataas sa kanyang tree trunk.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kakaibang punong ito
at hindi maiwasang mamangha at magtaka dahil sa nakapulupot sa paligid nito.
“Anong nangyari sa punong ito at parang may nakapulupot na
baging sa kanyang puno” nakita ng malapitan kung saan sa ilalim nito ay may malalaki
at malalapad na parang baging na nasa lapad na limang metro ang isa na
nakapulupot sa puno mula sa ilalim paitaas sa puno.
First time
ko palang sa gubat at marami na akong nakakamanghang bahay na nakikita ngunit
mas naiiba ang isang ito.. napakalaki ng baging na nakapulupot sa puno na para bang
napakahigpit.
Umaabot rin ang laki ng puno sa halos 40 meters at nasa
bente ang diyametro na nasasakop dahil sa nakapalibot at nakapalupot na
kakaibang baging dito kung saan ay may makapal na damong tumutubo dito.
Ibang
klase naman ang punong ito at nakakaiba sa lahat ng mga punong nadaanan ko
simula ng pumasok kami sa gubat ni itay.
Napatingala na lamang ako sa punong ito at hindi
makapaniwala sa nakikita dahil sa sobrang taas ng paglatay ng baging na siyang
umaabot na sa kalahati ng puno. Kumpara sa punong ito ay para lamang akong
insekto dahil sa hinganteng taas at lapad nito kung saan ay malaki ang
nasasakop.
ibinaba ko ang aking tingin at dahan dahang lumapit sa
malaking punong ito hanggang sa natigil kung saan ay ilang pulgada nalamang ang
layo nito sa akin. kitang kita ko ng malapitan ang makapal na damong tumubo sa
baging.
ibang
klase rin ang baging na pumupulupt na para bang malahigate rin ang laki…parang
sa kwentong pangbata na aking nabasa noong bata pa ako.
kitang kita ko ng malapitan ang kung gaano kalaki at kalapad
ang baging na nakapulupot sa puno saka ako naglakad patungo kanang bahagi
habang nakaangat ang ulo na tinitignan ang baging. Yakap yakap ko parin ang
balabal habang palinga linga ako sa paligid ng puno at naglalakad.
“Siguro ay sobrang tagal nang nakapulupot ang baging na ito
sa puno dahil sa kapal ng damong tumubo sa kanya. halos buong baging na rin
kasi ang natutubuan ng damo.” Patuloy lamang ako sa paglalakad palibot habang
nakatingin sa puno at napatigil na lamang ng nakita ko ang isang parte ng
baging kung saan ay hindi halos natutubuan ng damo.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa puno sa tapat ng
baging kung saan ay nakikita ko ng malapitan kung gaano ito kalapad. nakatayo
ako sa harap nito at iilang pulgada lamang ang aking layo kung saan kitang kita
ko rin ang kakaibang kulay ng baging na ito na parang isang punong kahoy.
“nakakamangha” ang aking mahinang at para ba akong natulala
habang tinitignan ang baging saka ko inalis ang aking kanang kamay mula sa
pagkakayakap mula sa harap sa aking balabal.
Nakabuka ang aking palad at dahan dahan itong inilapit sa
baging na siya namang naramdaman ko ang pagtibok ng aking puso habang
nakatulala lamang na nakatingin dito. inilapit ko lalo ang aking palad patungo
sa baging na siyang paglakas at pagbilis ng tibok ng aking puso hanggang sa
tuluyan ko na itong naidampi.
“ANAK!” Nagulat na lamang ako na siyang ikinabalik ko sa
aking wisyo ng may makalas akong sigaw na narinig mula sa isang pamilyar na
boses. Isang malakas na pagakpak rin ang aking narinig mula sa paligid saka ako
napalingon upang harapin ang pinagmulan ng taong sumigaw.
Napalingon ako sa likod at nakita ang aking ama na hingal na
hingal at pawis na pawis ang mukha habang nakatingin sa akin. nakita ko rin ang
talsik ng dugo sa kanyang suot na balabal at sa kanang Kaman.
“tay!” ang aking malakas na sigaw na siyang ikinangite ko ng
malapad saka tumakbo sa kayang kinaroroonan. Naramdaman ko na lamang ang
pagdausdos ng aking kamay na siyang pagkiskis ng aking palad na nakadikit sa
baging nang tumakbo ako papalapit sa aking ama.
Dahil sa pagkakatusok ko kanina sa aking daliri mula sa
palumpong ay nabahiran ng kaunting patak ng dugo ang baging kung saan nakiskis
ang aking kamay.
May malapad na ngite akong tumakbo papalapit kay itay habang
yakap – yakap ang aking balabal. Tumakbo ako papunta sa kanya na siya ring
pagtakbo nito papalapit sa akin hanggang sa napaluhod si itay sa lupa at
ibinuka ang kanyang mga kamay saka sinalubong ako ng yakap.
Agad kong inalis ang aking kamay sa aking harapan saka
niyakap ng mahigpit sa kanyang leeg ang aking ama. hawak ko sa kaliwang kamay
ang aking balabal habang yakap yakap ang aking ama. Ramdam na ramdam ko ang
kanyang malaking braso at matigas na pangangatawan dahil sa kanyang mahigpit na
pagkakayakap na para ba akong mapipisa dahil sa lakas nito.
“Ren! Sabi ko naman saiyo na huwag kang aalis sa
kinatatayuan mo anak” ang balisang saad ni itay at bakas sa kanyang boses ang
pag-aalala. kumalas ito sa pagkakayakap sa akin saka ipinatong nito ang kanyang
kamay sa aking balikat saka tinignan ako sa mukha.
“sorry po itay natakot po kasi ako nung bigla kayong tumakbo
kaya napasunod po ako” ang aking pagsisising saad kung saan kitang kita ko sa
mga mata ng aking ama ang pag-aalala.
“ayos kalang ba anak? buti nalang at maaga pa kung hindi ay
mas mahihirapan akong hanapin ka kung madilim na ang paligid.. buti nalang at
wala kang may nasalubong na ligaw na hayop” ang saad ni itay at muli akong
niyakap muli ng mahigpit saka hinalikan sa noo. Ang kanyang isang kanang kamay
ay nakapatong sa aking ulo at naramdaman nalang ang mahinang paghimas nito.
“sorry po itay…hindi na po mauulit” ang aking saad sa kanya
saka niyakap ulit ito ng mahigpit na siyang ikinapikit ng aking mga mata.
Napahinga ako ng maluwag saka kumalas sa pagkakayakap sa kanyang matigas na
katawan at naamoy ko rin ang kakaibang amoy ng kayang pawis sa katawan.
“sa susunod wag kang aalis kapag sinabi ko para malaman ko
kung saan ka kaagad hahanapin…” ang kanyang saad saka niya ginulo ang aking
buhok at tumayo sa kanyang pagkakaluhod habang nakangiteng nakatingin sa akin.
“opo itay” napangite na lamang ako na nakatingin kay itay
habang hawak hawak sa kaliwang kamay ang aking balabal. inalis ni itay ang
kanyang kamay sa aking ulo saka inangat ang kanyang ulo at nakita ang malaking
puno na napapaluputan ng baging.
“halika na anak at mukhang napalalim na tayo sa gubat. tsaka
mukhang mapapaaga tayo ng uwi ngayon dahil sa nahuli ko narin sa wakas ang boarhorn
kanina” napayuko ito saka tinignan akong nakangite na siya ring ikinangite ko
dahil sa narinig mula sa kanya.
“talaga itay!kaya po pala may dugo sa iyong balabal itay…ang
galing galing mo po talaga itay” ang aking masayang saad sa kanya saka niya inilapit
muli ang kanyang kamay sa aking ulo saka ginulo ang aking buhok..
“ako pa anak ang galing galing ko kayang tumusok.. ohh tara
at hindi pa tayo kumakain ng pananghalian” ang kanyang saad saka nito inalis
ang kanyang kamay sa aking ulo..
“tara na po itay nagugutom na rin po kasi ako dahil sa
paglalakad” ang aking saad na siyang ikinatawa ni itay ng bahagya habang
nakangite sa akin. “ganun ba Ren. Wag kang mag-alala at sasarapan at dadamihan
ko ang lulutuin mamaya pag-uwi” ang saad naman nito na aking ikinatuwa.
Napakaswerte
ko sa aking ama dahil sa kanyang pagiging maalaga at mapagmahal lalong lalo na
at gwapo ito, macho at hunk ang pangangatawan saka matangkad at malakas.
Napangite si itay saka nito inangat ang mukha at napatingin
sa malaking puno kung saan ay kaharap ako nito. napatalikod naman ako upang
tignan muli ang puno saka napatingin sa kanya.
“tay ano po ang nangyari sa punong iyan at bakit napapaluputan
ng mga baging?” ang aking tanong kay itay habang nakatingin lamang ito sa
higanteng puno.
“Hindi ko rin alam ang nangyari anak eh. Ngunit ang
pagkakaalam ko lang ay mahigit sa isang daang taon na ang nakakalipas simula
raw nung lumitaw ang misteryosong baging na ito.” ang paliwanang ni itay habang
nakatingin lamang ito sa puno kung saan at inangat pa nito ang kanyang ulo
upang tignan ang taas kung saan naabot ang baging.
Sobrang tagal
na rin pala ang nakakalipas sa pagtubo ng baging na iyan at pumulupot sa punong
kahoy kahit na si itay ay hindi pa nabubuhay sa mga panahong iyon.
“oh tara na anak at iuwi na natin ang nahuli kong hayop para
na rin maibenta natin ang sungay nito” ang kanyang saad at napatingin ito sa
akin at napangite na siya ring pagtingin ko sa kanya at sinuklian ito ng
matamis na ngite.
“sige po tay.. tyak na mapaparami ang aking pagkain ngayong
araw” ang aking masayang saad saka ito napatalikod sa puno na siya ring
pagtalikod ko at nagsimula ng maglakad pabalik sa aming pinanggalingan.
“~~~~”habang naglalakad ako ay parang maynarinig na lamang
ako mula sa puno na para bang radyo na walang signal ang pagkakasalita. Napalingon
ako sa puno dahil sa narinig habang naglalakad ngunit wala naman akong muling
may narinig kaya pinagpatuloy ko nalamang ang paglalakad.
Tama ba na
may narinig ako o guni-guni ko lang? buti nalang at natagpuan kaagad ako ni
itay dahil first time ko palang dito sa gubat at hindi kabisado ang paligid..
andaming mga bagay pa ang hindi ko alam sa mundong ito at hindi na rin ako
makapaghintay na tuklasin ang mga iyon.
Comments
Post a Comment