MOTHER
ELREN POV.
Naglalakad kaming dalawa ni itay papalayo sa puno at pabalik sa kung saan kami galing kanina habang yakap yakap ko parin ang aking balabal.
“Ren ano yang nasa kamay mo at binalot mo ito ng iyong balabal?” ang narinig kong tanong kay itay saka ko inangat ang aking ulo upang tignan ito. nakatingin ito sa akin at bakas sa mukha nito ang kuryusidad na siyang aking ikinangite saka napatingin sa balabal na yakap yakap ko.
“habang naliligaw po ako kanina itay ay may nakita akong kakaibang prutas na tumutubo sa palumpong tas po bumubukadkad kapag pinipitas” ang aking masayang saad sa kanya habang patuloy parin kaming dalawa sa paglalakad sa ilalim ng mga higanting puno kung saan ay para bang apat na puno palang ang nalagpasan namin simula nung naglakad kami papalayo sa kakaibang puno kanina.
“bumubukadkad na prutas? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan anak. sigurado kabang prutas yang nakuha mo o hindi kaya isang bulaklak?” ang saad ni itay at napatingin sa akin. nakita ko nalang sa kanyang mukha ang bakas ng pagtataka saka ito napatigil at napaharap sa akin.
Napatigil nalang din ako sa paglalakad saka hinarap ang aking ama habang nakatingala ako dahil sa kanyang katangkaran kumpara sa akin na hanggang bewang lamang ako nito.
“hindi ko rin po alam itay eh ngayon lang din po ako nakakita ng ganitong klasing bunga pero hindi po akong nagkakamali itay, kapag po pinitas ang bungang ito ay dahan dahang itong namumukadkad” ang aking saad saka ako napayuko at tinignan muli ang aking yakap na balabal.
“sigurado ka ba jan anak? buksan mo nga ang iyong balabal at gusto kong makita kung anong klasing bunga ito” ang nagtatakang saad ni itay habang nakaharap at nakatingin sa akin. napaangat ang aking ulo upang tignan ang kanyang mucha at para bang wala itong alam sa aking sinasabi.
napatango na lamang ako bilang tugon at tila’y nagtataka rin sa naging reaksiyon ng aking ama saka tinignan ang aking balabal. inalis ko ang aking isang kamay at inilapit ito sa pagkakatali gamit rin mismo ng aking balabal.
bakit parang walang alam si itay tungkol sa bungang ito eh mas madalas ito sa gubat kumpara sa akin.. hindi rin ako nagkakamali sa aking nasaksihan at nahawakan kanina na kahit ako ay hindi makapaniwala na nangyayari iyon.
Marahan kong tinanggal ang pagkakatali ng balabal habang nakatingin si itay sa aking ginagawa ng bigla na lamang yumanig ang lupa na siyang aking ikinatigil.
Napatigil ako sa aking ginagawa at napaangat ng tingin kay itay na siyang takang napatingin sa lupa. makalipas ng ilang Segundo ay bigla na namang yumanig ulit ang lupa kasabay ng pagliparan ng mga ibon sa paligid papalayo.
napatingala ako upang tignan ang itaas at inikot ang aking paningin habang Rinig na rinig ko ang malalakas na huni ng mga ibon at iba pang hayop habang nagliliparan palayo sa paligid.
“tay ano pong nangyay~?” ang aking tanong sana kay itay at napatingin sa kanya ngunit hindi na ako nito pinatapos sa pagsasalita at kitang kita ko ang kanyang mukha na naging seryoso.
“shhh” ang mahinang pagputol ni itay sa aking pagsalita at marahang inilapit sa aking mukha ang kanyang kamay upang senyasan ako na huwag maingay. kasabay nito ang paglapit ng kanyang kanang kamay patungo sa kanyang espada na nakasabit sa kaliwang bewang habang dahan dahang napatingin sa malayo mula sa direksiyon kung saan kami naglakad kanina papalayo.
Tay?.. ngayon ko lang ito nakita na ganito ka seryoso at bakit parang nagsisialisan ang mga hayop? Hindi naman gaano kalakas ang pagyanig.
Napatingin nalang din ako sa direksiyon kung saan nakatingin si itay habang patuloy lamang sa mahinang pagyanig ang lupa. ramdam na ramdam ko sa aking talampakan ang mahinang pagyanig ng lupa kung saan sa bawat segundo ay lumalakas ang pagyanig nito na siya ring paghigpit ng paghawak ni itay sa kanyang espada.
Matapos ng iilang pagyanig ay bigla na lamang humupa ito at tumigil. Nakatayo lamang kami ni itay at takang taka sa nangyari habang nakatingin sa direksiyon kung saan kami galing kanina.
Anong nangyayari bakit bigla bigla na lamang yumayanig ang lupa? hindi naman ito lindol dahil sa putol putol nitong pagyanig bawat segundo.
Makalipas ng ilang minuto ng paghupa ng pagyanig ay iniangat ko ang aking tingin kay itay at nakita ko itong hindi parin inaalis ang tingin mula sa malayo.. nakakunot at seryoso itong nakatingin habang mahigpit ang kanyang pagkahawak sa espada.
“Ren magtago ka sa likod ko” ang seryosong saad ni itay kasabay ng marahang pagsenyas nito ng kanyang kamay sa aking harapan na kumakaway habang seryosong nakatingin sa malayo saka niya dahan dahang hinugot ang kanyang espada.
Napatango nalang din ako at tahimik lamang nakikiramdam sa paligid at takang taka sa kung anong nangyayari habang yakap ang aking balabal sa harapan. Narinig ko pa ang kalansing ng espada ni itay saka niya ito itinutok sa harapan kung saan ito nakatingin.
Sa iilang minuto rin ang nakalipas ng paghupa ng pagyanig ay bigla nalang din natahimik ang buong paligid na tilay mo’y walang buhay ni huni ng insekto ay wala kang maririnig.
Mukhang nagsialisan na ang mga hayop at mga ibon kanina dahil sa pagyanig.. hindi ko alam ngunit kinakabahan na ako sa kung ano ang nangyayari sa paligid.
Bigla ko nalang naramdaman muli ang pagyanig ng lupa ngunit ibang iba ito kumpara sa nanunang pagyaning kung saad ay mahina at putol putol bawat segundo… naranramdaman ko sa aking talampakan ang pagyanig na siyang lumalakas ng lumalakas sa bawat segundong lumilipas..
“t.tayy..” ang aking saad at halata sa aking boses ang takot saka ko inilapit ang aking kanang kamay sa balabal ni itay at hinawakan ito ng mahigpit habang damang dama ang pagyanig rin ng aking buong katawan dahil sa malakas na pagyanig ng lupa.
Napatigin ako kay itay mula sa likod nito at wala akong may narinig mula sa kanya habang mahigpit nitong hinahawakan ang kanyang espada ng bigla na lamang may isang malakas at nakakabinging sigaw ang maririnig sa buong paligid..
Bigla kong inalis ang kamay sa pagkakakapit sa balabal ni itay at agad na binitawan ang balabal na hawak hawak ko sabay lapit ng aking mga kamay sa aking tenga. Agad kong tinakpan ng aking mga palad ang aking tenga dahil sa malakas, masakit at nakakabinging sigaw na para bang nanggagaling sa isang malaking at nakakatakot na halimaw na naririnig ko sa mga palabas..
Dahil sa malakas na pagyanig ng lupa ay bigla nalamang akong napaupo sa lupa habang madiin na tinatakpan ang aking tenga dahil sa sakit ng malakas na ungol na para bang sasabog ang aking utak dahil sa lakas.
Sobrang sakit ng ungol na para bang sound effects ng mga halimaw sa mga movies na aking napanuod habang nakapikit ang aking mga mata at bakas sa aking mukha na nagdudusa dahil sa sakit. Ganun din ang sitwasiyon ni itay na siyang napaluhod nalang at nabitawan ang kanyang hawak na espada na siyang nahulog sa lupa habang tinatakpan nito ang kanyang tenga gamit ang dalawang kamay.
Tumagal ng halos dalawang minuto ang malakas at nakakabinging ungol sa paligid saka ko dahan dahang binuksan ang aking mga mata saka ko marahang inalis ang aking mga kamay sa aking tenga..
“Ren ayos kalang ba?” ang narinig kong pag-aalalang tanong ng aking ama saka ito napaharap sa aking upang tignan ako habang nakaupo sa lupa at nakaluhod naman ang isang paa nito.
“ayos lang po ako itay ngunit ano po ang sigaw na iyon?? Ano po ang nangyayari itay?” ang aking tanong sa kanya at bakas sa aking boses ang takot at pagtataka habang nakatingin sa aking ama..
“Hindi ko rin alam anak ngunit masama ang aking pakiramdam sa paligid..makinig ka saakin Ren, gusto kong bumalik ka sa Nayon at puntahan mo ang malaking bahay sa sentral at ipagbigay alam mo kung ano ang nangyari” ang saad ni itay sa akin saka niya dinampot ang kanyang espada na kanyang nabitawan kanina sa lupa habang nakaluhod ang isang paa nito na nakaharap sa akin..
“p.pero paano po kayo itay? ayoko pong iwan kayo itay.”ang aking saad sabay hablot ng kanyang balabal. bakas sa aking boses at mukha ang takot habang nakatingin sa aking ama..
“wag kang mag-alala anak at magiging ayos lang ako..”ang kanyang saad saka niya inilapit ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ito sabay ngumite sa akin..“magiging ayos lang si itay ha susunod ako sa likod mo kaya wag kang matakot.. pangako ko yan..”ang kanyang saad habang ginugulo ang aking ulo na siyang ikinangite ko habang nakatingin sa kanya..
“opo itay” ang aking maikling sagot at napangite na lamang habang nakaupo sa lupa.. ramdam ko ang pagbigat ng aking dibdib saka inilapit ni itay ang kanyang mukha papalapit sa akin saka ko nalang naramdaman ang kanyang halik sa aking noo.
“Salamat anak..” ang saad ni itay saka inalis nito ang kanyang kamay sa aking ulo saka tumayo sa pagkakaluhod habang hawak ang espada.. dinampot ko naman ang aking balabal na nakatali parin saka ako napatayo sa aking pagkakaupo. Agad kong niyakap ang balabal ng aking mga kamay na naglalaman ng kakaibang bunga sa loob.
“dumireto kalang mula rito papunta sa direksiyon na iyon at makakalabas ka ng gubat… ngayon alis na anak” ang saad ni itay saka niya inangat ang kanyang kamay at tuwid na itinuro ang direksiyon mula rito.
Nakatingin kami sa isat isa at nang sinabi nito ang huling salita ay napatango na lamang ako sa kanya saka nagsimulang tumakbo sa direksiyon na kanyang itinuro..
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kita ko sa mukha ni itay na parang seryoso ito.. hindi lang din basta basta pagyanig at malakas na alulung ang narinig kanina sa paligid..sa lakas palang ng ungol nito kanina ay tyak akong hindi ito ordinaryong hayop.. sana ay mali ang iniisip ko…
Tumatakbo lamang ako sa direksiyon kung saan itinuro ni itay habang hawak ko sa aking harapan ang nakabalot at nakatali kong balabal. habang patuloy ako sa aking pagtakbo ay may narinig nalamang akong kakaibang tunog mula sa aking likuran kung saan ay nagsimula na namang yumanig ang lupa.
Napalingon ako sa likuran habang tumatakbo at hindi namalayan ang isang ugat sa aking harapan na siyang dahilan ng aking pagkapatid at nadapa. Bigla ko nalang din nabitawan ang hawak kong balabal at napatapon di kalayuan sa aking pagkakatumba.
“a..ara.y” nakaramdaman ako ng sakit sa aking binti ng tumama ito sa ugat na siyang dahilan ng pagkasugat nito dahil sa pagkakadapa.
Bakas sa aking mukha ang hapdi na ang nararamdaman saka ko nalang narinig mula sa likod ang malakas na pagsisit na para bang bahagyang humuhuni.
Itinikuod ko ang aking mga kamay sa lupa saka inangat ang aking katawan at inilingon ang aking ulo sa likuran na siyang dahilan ng paglaki ng aking mga mata kasabay ng malakas na pagkalabog ng aking dibdib..
Mula sa malayo ay nakita ko nalang ang kakaibang gagamba na sobrang itim at may pulang marka sa pwetan na para bang nakaangat ito..napakalaki na halos 5 ft ang taas nito na siyang mabilis na papunta sa aking direksiyon.
Napatihaya ako sa lupa habang nanginig na lamang ang aking bibig na siya ring pabilis at paglakas ng pagtibok ng aking dibdib dahil sa takot na nararamdaman habang nakikita ang malaking halimaw na papalapit sa aking kinaroroonan..
Hindi ako makagalaw dahil sa nararamdamang takot habang nakikita ang gagamba na papalapit sa aking direksiyon hanggang sa mas nakita ko lalo kung gaano ito kalaki at naririnig ang nakakairitang pagsisit at paghuni nito..
Hindi ako makapagsalita o makapagisip ng matino habang nanginginig na nakatingin lamang sa halimaw na siyang ilang metro ang lapit saakin at kitang kita ko ang itim na usok na inilalabas nito sa kanyang bibig.. ang bunganga nito ay parang sa langgam na may sungay o sungay ngunit dalawang pares ito vertically and horizontally.
Nakatihaya lamang ako sa lupa at nakatukod ang mga kamay sa lupa habang humihinga ng malalim at mabilis.
Gagamba? Bakit ganun nalang ito kalaki? Hindi na ito basta basta masasabing insekto o hayop dahil sa laki nito..isa na itong halimaw!
Hindi na ako tuluyan pang nakaalis o nakagalaw sa aking pwesto hanggang sa nakarating na ang malaking halimaw na gagamba sa aking harapan..kitang kita ko ang pagbuka nito ng kanyang mga matutulis na pangil ay napaungol ng nakakairitang sigaw kasabay ng pagtaas nito ng kanyang dalawang pares na galamay sa harapan..
“WAGGGGG!” ang aking malakas na sigaw ng makita kong susunggaban na ako nito ng kanyang pangil at galamay kasabay ng pagtaas ko ng aking kanang kamay upang takpan ang aking mukha habang nanginginig sa takot at sumisigaw ng malakas.
Isang nakakasilaw at kumikinang na asul na liwanang na lamang ang lumitaw sa aking harapan na siyang ikinapikit ng aking mga mata habang nakaangat parin ang aking kanang kamay.
Ipinikit ko lalo ang aking mga mata at iniling sa kaliwa ang aking ulo dahil sa asul na liwanag na mas lalong lumiwanag at kuminang. Ramdam na ramdam ko ang init sa aking nakabukang palad sa aking kanang kamay habang tinatakpan ko ang aking mukha at sa isang iglap lamang ay nawala kaagad at liwanag.
Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata sabay ng pagbaba ng aking kanang kamay at tumingin sa harapan na siyang ikinagulat ko sa nakita..nakita ko na lamang ang malaking halimaw na ilang pulgada nalang ang bibig nito sa aking katawan ngunit mas nagulat ako dahil sa naging bato na ito ng tuluyan.
“a.anong nangyari” ang hindi makapaniwala kong tanong habang humihinga ng malalim at takot na takot. Kitang kita ko ang gagambang naging abo dahil sa pagiging bato nito at isang maliit na paru paru sa kanyang ulo kung saan ay naging bato rin.
Saan galing ang liwanag? Hindi ko na alam ang nangyayari naguguluhan na ang utak ko. s.s.si itay? wag mong sabihin na araw araw niyang nakakaharap ang ganitong klasing halimaw..
Gulong gulo ang aking isipan at takot na takot saka ko itinukod muli ang aking kamay sa lupa. dahan dahang kong iginapang ang aking mga kamay paatras habang nakatihaya at nakatingin sa halimaw..
Tuluyan na akong nakaatras sa ilalim ng halimaw at nanginginig na tumayo saka ko nalang naramdaman ang mahinang pagyanig ng lupa ang mga sitsit at huni sa kalayuan na siyang ikinalaki ng aking mga mata..
Sa tingin ko ay hindi lamang iisang halimaw ang nakapaligid sa gubat…hindi ko alam na sa mundong ito ay ganito pala kalalaki ang gagamba.
Dahan dahan akong napatras habang kaharap ang gagambang naging bato at sa di kalayuan kung saan ako nagmula kanina ay nakita ko na lamang ang iilang gagamba na papalapit sa aking direksiyon na siya ring pinagmulan ng gagambang naging bato.
“t.tay” ang aking nag-aalalang saad habang patuloy lamang sa pag-atras saka napatalikod at nagsimulang tumakbo papalayo. napakagat nalang ako sa aking ilalim na labi habang mabilis na tumatakbo sa direksiyon kung saan itinuro ni itay ang labasan ngunit mas lalong lumalakas ang huni at sitsit ng halimaw kasabay pa ng pagyanig ng lupa.
Ikinuyom ko ang aking mga palad ng mahigpit habang tumatakbo ng mabilis at sa aking pagtakbo ay may nakita na lamang isang kweba na gawa sa malaking ugat ng puno..napalingon ako sa likod at kitang kita ang mga gagamba na sumusunod sa direksiyon ko mula sa kalayuan.
Bakit sobrang bilis nilang tumakbo? sobrang layo nila kanina sa akin ngunit ngayon ay kitang kita ko na ang kanilang malahalimaw na laki..
Kitang kita ko ang mga halimaw na mahigit sa 30 meters ang layo saakin habang tumatakbo.Napatingin ako ulit sa harapan saka ko binilisan lalo ang aking pagtakbo saka lumiko sa malaking puno kung saan naroroon ang kweba..
nang makarating ako sa kweba ay agad akong dumausdos ng patihaya sa loob na siyang hindi naman kalaliman ay tamang tama lang na matabunan ang aking katawan habang nakaupo at nakasandal sa matigas na ugat.
Tinakpan ko ang aking bibig gamit ng aking dalawang kamay upang hindi makagawa ng ingay habang humihinga ng malalim at hingal na hingal.. pawis na pawis ang buong katawan at nanginginig ang mga binti dahil sa takot at pagtakbo..
Ilang sandali na lamang a aking pagkapasok sa kweba ay mas lalong lumakas ang mga huni na aking naririnig at pagyanig ng lupa na siyang bahagyang pagbuhos ng buhangin sa akin habang nasaloob ng malaking ugat..
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang takot na takot at yumayanig ang paligid ko ng napadaan ang mga halimaw.. hinigpitan ko ang pagtakip ng aking mga kamay sa aking bibig habang dinig na dinig ko sa paligid ang mga halimaw na para bang nagmamartsa dahil sa pagyanig ng lupa.
Matapos ng ilang minuto ay humihina ang mga huni at pagyanig ng lupa na siyang pagkamulat ng aking mga mata..dahan dahan kong inalis ang nanginginig kong kamay sa aking bibig saka marahang itinukod ito sa lupa na aking inuupan.
Iniangat ko ang aking sarili gamit ang mga kamay na
nakatukod sa lupa saka dahan dahang inangat ang aking ulo upang sumilip sa labas.
Salamat naman at napapalayo na ang mga ito. pero bakit parang sama sama ang mga ito? ang pagkakaalam ko ay mas gustong mapag isa ng gagamba dahil masosolo nito ang kanyang mahuhuli.
Napabuntong hininga na lamang ako ng maluwag saka ko marahang itinaas ang aking ulo upang sumilip at masiguro na wala na ang mga ito. nagpalinga linga ako sa paligid at nagulat na lamang ng makita ko ang maliit na gagaba.
Napalaki ang aking mata dahil sa gagambang aking nakita na siyang normal lamang na naglalakad patungo sa direksiyon ng mga gagambang nagmamartsa. Nasa taas ito ng labing limang pulgada, nasa kulay brown at may strip ang kanyang pwetan saka ang galamay nitong napapalibutan ng malilit na tusok na ibang iba sa mga malalaking halimaw na nakita ko..
Hindi lamang anyo nito ang nagpagulat sa akin kung hindi ang bagay na nasa kanyang bibig. Isa itong itim at galamay na mula sa malaking halimaw kanina at may kulay berdeng katas na tumutulo mula rito na siyang aking pinagtataka.
Sinisilipan ko lamang ang gagamba mula rito sa ilalim ng ugat na aking pinagtataguan hanggang sa hindi ko na ito mahagilap pa ng aking paningin. Dahan dahan akong tumayo sa loob ng ugat saka marahang gumapang palabas hanggang sa tuluyan na akong nakalabas..
Ang aking buong katawan ay sobrang dungis dahil sa mga buhangin na nahuhulog at bumubuhos kanina saakin habang yumayanig ang lupa dahil sa mga halimaw.
“Sana ay ayos lang si itay, nangako ito sa akin na susunod ito at alam ko ring malakas at magaling si itay depensahan ang kanyang sarili.” Ang aking nag-aalalang saad saka napatingin sa direksiyon kong saan ko iniwan si itay kanina at kung saan nagmula ang mga halimaw.
Ngunit nakakapagtaka lang na makita ang mga gagamba na magsama-samang nagmamartsa lalong lalo na rin ang maliit na gagamba na kagat kagat ang isang paa ng malaking gagamba. Para bang gutom na gutom ang mga ito, wag mong sabihin na bagong pisa lamang ang mga ito!
Napssinghap na lamang ako ng malalim na siyang ikinabuka ng aking bibig at ikinalaki ng aking mga mata saka dahan dahang inilingon ang ulo mula sa direksiyon kung saan nagmamartsa ang mga halimaw.
Hindi! Hindi
pwede! Hindi ko alam ang nangyari kanina saakin ngunit marahil ay naging
pagkain na rin ako nito. hindi lamang kapatid nito ang kanilang pweding kainin sa
araw ng kanilang pagkapisa marahil ay t.tao din.
Comments
Post a Comment