THE LOST
RALD POV.
Napatingin lamang ako sa aking anak na si Ren habang tumatakbo ito papalayo mula sa aking kinaroroonan na siyang ikinangite..nakasukbit parin mula sa aking likuran ang bitbit na bag na yari sa balat ng hayop kung saan ay may laman itong nakabalot na pagkain at tubig.
Pasensya kana anak at sa unang araw palang nating dito sa gubat na magkasama ay marami na ang nangyayari ngunit isa lang ang nasisiguro ko ngayon.. hindi basta basta halimaw lang ang kayang magpayanig ng lupa at makagawa ng napakalakas na ingay.
Napatalikod ako at napatingin sa direksiyon kung saan nagmumula ang malakas na ingay kanina saka ko hinawakan ng mahigpit ang aking espada.. inayuko ko ng bahagya ang aking likuran at napatagilid pakanan ang aking katawan kong saan ay inangat ko ang aking espada gamit ang dalawang kamay na siyang nakatutok sa harapan..
wag kang mag-alala Ren, proprotektahan kita mula rito at sisiguraduhin kong walang may nakasunod sa iyo.. sana ay mahanap mo ang daan palabas dito sa gubat at mabalaan ang mga taga Nayon..
naramdaman ko nalang ulit sa aking mga talampakan ang bahagyang pagyanig ng lupa na siyang lumalakas habang nakatingin mula sa malayo hanggang sa nakarinig na lamang ako ng kakaibang huni na siyang dumadagundong sa lakas..
nagulat na lamang ako ng makita ang malaking grupo ng iisang halimaw mula sa malayo saka ko hinigpitan ang pagkakahawak sa espada. Iniwaksi ko sa aking isipan ang pagkagulat saka ako seryosong napatingin sa halimaw.
"hindi ko alam kung saan kayo nanggaling pero hindi ako papayag na dumaan kayo sa direksiyong ito" naramdaman ko na lamang ang pag- init ng aking buong katawan patungo sa aking mga kamay hanggang sa may lumabas na lamang na hangin mula sa hawakan na siyang umikot na parang ahas sa espada patungo sa dulo nito.
Nakatingin lamang ako sa harapan kung saan ay mabilis na tumatakbo papalapit ang mga Halimaw na siyang humuhuni ng nakakairita saka ko marahang inangat ang hawak na espada patungo sa aking likod..
Ilang sandali na lamang ay iilang metro na lamang ang layo nito mula sa aking kinatatayuan at kitang kita ko ng malapitan ang kakaibang anyo nito na siyang aking ipinagtaka..
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klasing halimaw na sobrang itim at may kakaibang anyo..matagal na akong pabalik balik dito sa gubat ngunit ni isa nito ay wala akong may nakita.
Mabilis itong tumaktakbo sa aking direksiyon na siyang binubutasan ng malalim ang lupa na nadadaanan nito gamit ang kanyang mga galamay na napakatulis habang humuhuni ng nakakairita.. ramdam na ramdamn ko ang malakas na pagyanig ng lupa dahil sa dami nila na sa tingin ko ay lalagpas sa sengkwenta at dahil na rin sa kanilang laki..
Hindi ako umaalis sa aking pwesto habang bahagyang nakatagilid ang aking katawan pakanan saka ko marahang ibinaba ang aking katawan na siyang bahagyang pagyuko ng aking mga tuhod sa paa habang naka angat ang mga kamay sa likod at hawak hawak ang espada ng mahigpit.
Ilang sandali na lamang ay iilang metro na lang ang layo nito saakin dahil sa angking bilis ng kanyang pagtakbo saka ko bahagyang inikot ang aking itaas na katawan patungo sa kanan kasabay ng pagbitaw ng aking kaliwang kamay sa pagkakahawak sa espada.
"Wind Slash!" Agad kong ininat ang aking kanang kamay habang mahigpit na hawak ang espada saka ito malakas na iniswing paharap na siyang paglabas ng malakas na attack wave ng hangin mula sa aking espada kung saan ay lumalapad ang nasasakop nito paharap na umaabot sa tatlumpong metro.
napaangat nalang din ang aking katawan dahil sa malakas na pagswing ng aking espada sa ere na siya ring pag-ikot ng itaas na bahagi ng aking katawan patungo sa kaliwa na siyang bahagyang nakatalikod habang nakatingin sa harapan..
nakita ko nalang ang katawan ng halimaw na nahati sa dalawa ng tamaan sila ng aking atake na siya ring pagkaputol ng halaman sa harap ngunit ni gasgas ay wala man lang epekto ang aking atake sa malaking puno na natamaan nito.
hindi ko alam kung anong klaseng puno ba ang meron sa gubat na ito dahil sa malahigante nitong laki at lapad na siya hindi nasusugatan ng majika maliban nalang kung pisikal na atake.
nakatingin lamang ako sa harap at ilang saglit lamang mula sa inilabas kong atake ay siya nalang paghuni ng nakakairita at malakas na tunog ang mga halimaw saka ito lumabas sa likod ng higanteng puno sa kanan at kaliwang bahagi.. nakita ko nalang din mula sa malayo ang mga halimaw na siyang tumatakbo papalapit sa aking direksiyon..
"sa tingin ko ay hindi sila kayang takutin..masyado rin silang madami pero kailangan kong bigyan ng oras si Ren para makalabas sa gubat.." Ang aking saad at iniharap ang aking katawan sa mga halimaw saka ko itinaas muli ang aking espada sa harap habang hawak ito ng aking kanang kamay..
mabilis ang paggalaw ng mga halimaw gamit ang kanilang matalim na mga galamay na siyang nagkakaroon ng butas sa nadadaanan nila. kitang kita ko ang mga matatalim na mga pangil nito sa kanyang bunganga habang humuhuni ng nakakairitang tunog hanggang sa iilang metro na lamang ang layo nito saakin dahil sa angking bilis ng mga halimaw na ito..
inikot ko ang aking itaas na katawan patungo sa kaliwang bahagi saka ko inilabas ang aking kapangyarihan kung saan ay naramdaman ko ang init na nagmumula sa aking katawan patungo sa espada na siyang nagkaroon ng hangin sa paligid nito.
mahigpit kong hinawakan ang aking espada ng aking dalawang kamay na nakatutok sa harapan ng mga halimaw habang nakikita itong tumatakbo papalapit sa aking kinaroroonan hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa akin na siyang sumisigaw ng malakas.
Napatalon ang nasa unahang halimaw na nasa sampong metro ang lapit nito sa akin na siyang nakabuka ng malaki ang kanyang bibig at nakaangat ang dalawang galamay upang tumusok sa akin.
ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong halimaw sa buong buhay ko. masyadong mabilis, maliksi at malakas na kahit malayo palang ito ng metro-metro ay kaya ka nitong sunggaban agad.
"Wind Slash!" ang aking malakas na pagbigkas ng spell at agad kong iniswing ang aking espada na mula sa kaliwa patungo sa kanang bahagi na sya ring bahagyang pag-ikot ng aking katawan. muling lumabas ang isang malakas na wave ng hangin mula sa aking espada ang lumitaw patungo sa harap na siyang naghati ng malaking katawan ng halimaw..
napalipad na lamang sa ere at napatalsik nalang sa aking mukha, sa damit at sa balabal ang malansa nitong dugo na kulay berde ng mahati ito dahil sa aking inilabas na atake na siya ring paglapag ng kanyang nahating katawan mula sa pagkakatalon nito sa ere malapit sa aking harapan.
nahati nalang din ang mga halimaw mula sa aking harapan ng tamaan ito ng aking atake na siyang pagyuko ng aking ulo upang tignan ang halimaw na nahati sa aking harapan na siyang aking ikinamangha dahil sa nakita..
napakaitim ng halimaw na ito at ibang klase ang kakaibang mga spike nito sa kanyang malaki at bilugang katawan.. hindi ko alam kung anong klasing halimaw ito ngunit sa bilis, liksi at lakas palang nito ay tyak akong maraming mga inosenteng tao ang mapeperwisyo.
narinig ko nalang ang malakas na mga huni na sinundan ng malakas na pagyanig ng lupa mula sa malayo na siyang ikinaangat ng aking ulo kung saan ay nakita ko ang mga nahating katawan ng halimaw sa harap.
hindi pa man nakakalipas ang isang minuto matapos kong magpalabas ng ikalawang atake na siyang pumatay sa halos higit tatlumpong halimaw ay bigla nalang ako ulit nakarinig ng malakas na mga huni na siyang bahagyang pagyanig ulit ng lupa.
"paano ito nangyari! imposible na magtipon ang ganito karaming halimaw sa iisang lugar lamang.." ang aking hindi makapaniwalang saad kung saan ay kitang kita sa aking mukha ang pagtataka at gulat dahil sa nakikita mula sa malayo.
nakita ko nalang na nagsilabasan ulit mula sa likod ng mga puno ang mga halimaw kung saan ay hindi sila natamaan ng aking atake at mula na rin sa malayo kung saan kami nanggaling kanina ng aking anak.
humuhuni ito ng malakas na para bang isang sisiw na gutom na gutom at nagsimulang tumakbo ng mabilis papalapit sa akin saka ko mahigpit na hinawakan ang aking espada. inilabas kong muli ang aking kapangyarihan sa katawan ngunit nakaramdaman nalang ako ng pagkahilo na siyang pagtulo ng dugo palabas sa butas ng aking ilong.
"hindi ko alam na halos maubos na ang aking magical essense dahil lamang sa dalawang atake..sa lakas ng aking inilabas ay siya ring maraming essence ang nawala sa akin" ang aking saad at humihinga ng malalim.. inangat ko ang aking kaliwang kamay at inilapit ito sa itaas na bahagi ng aking bibig saka ipinahid ang aking palad sa dugong tumulo palabas sa aking ilong.
tinignan ko ang aking palad kung saan nakita ang dugo mula sa aking ilong at inangat ang aking paningin sa mga halimaw na papalapit sa akin..
mahihirapan akong makipaglaban sa mga halimaw na ito lalong lalo na sa kanilang dami. sana ay nakalabas na ng gubat si Ren dahil kung hindi ay tyak akong maabutan ito ng mga halimaw dahil sa kanilang bilis..
" kailangan kong ilayo ang mga ito mula sa direksiyong ito. " ang aking saad saka ko inihakbang ang aking kanang paa kasunod ng kaliwang paa patalikod habang nakatingin sa malaking grupo ng halimaw na papalapit sa aking direksiyon.
itinaas ko ang aking kaliwang kamay na aking ginamit sa pagpahid sa aking ilong habang hawak hawak ng aking kanang kamay ang espada saka ko marahang hinakbang ang aking kanang paa kasunod ng kaliwa palikod.
"Ditoo!! nandito akooo..!" ang aking malakas na sigaw sa mga halimaw na siyang nakatoon sa akin ang kanilang atensiyon habang humuhini ang mga ito.. narinig ko nalang din ang malakas na paghuni ng ibang halimaw saka ito tumakbo papalapit sa aking direksiyon ng mabilis.
kinakaway ko ang aking kaliwang kamay habang naglalakad patalikod ng pabilis na siyang pagtakbo ng mga halimaw papalapit sa akin hanggang sa napatalikod na lamang ako at nagsimulang tumakbo papalayo sa kabilang daan..
"ganyan nga dito niyo ako sundan" ang aking saad habang tumatakbo sa daan kung saan ay maraming mga matutulis na palumpong ang aking nadadaanan na siyang dahilan ng aking pagkasugat ngunit hindi ko ito pinansin..
wag kang mag-alala Anak at susunod ako sa iyo, kailangan ko lang lituhin ang mga halimaw na ito para mailayo sila sa bayan.. hindi ko alam kung gaano sila karami at wala rin akong sapat na lakas para sila'y harapin.
patuloy lamang ako sa pagtakbo habang naririnig ko ang malakas na mga huni ng mga halimaw mula sa aking likuran ngunit napantig na lamang ang aking tenga ng may narinig akong malakas na huni ng halimaw..
Inilingon ko ang aking ulo patungo sa kanan habang patuloy lamang sa pag takbo na siyang ikinalaki ng aking mga mata dahil sa gulat ng bigla na lamang lumitaw mula sa likod ng malaking puno ang maliit na halimaw.
magkasing pareho ang ang kanilang katawan kong saan ay may pareho ang bilang ng mga galamay at may malaking pwetan. may apat na sungay rin ito sa kanyang bibig ngunit naiiba ang kanyang kulay at itsura kung saan ay may balikong pares ng sungay ito sa ulo..
naiiba rin ang kanyang mga mata na siyang pulang pula at anim lamang kung saan tig tatatlo sa kanan at kaliwa. bigla nalang din itong tumalon nung lumitaw ito habang tumatakbo ako at hindi na tuluyan pang nakailag.
napaharap ako sa halimaw habang hawak hawak ang espada na siyang aking itinaas upang saksakin ito ngunit masyadong mabilis ang pagkakatalon nito dahilan ng pagdapo nito saakin na aking ikinatumba sa lupa.
sa aking pagkatumba kung saan nasa itaas ng aking katawan ang maliit na halimaw na siyang may kabigatan na para bang isang tatlong taong gulang na bata ay napahiyaw na lamang ako ng malakas ng maramdaman ang sakit at kirot sa aking kanang tagiliran.
"argggg!!" ang aking malakas na hiyaw dahil sa pagkakabaon ng matulis na galamay ng halimaw sa aking tagiliran dahil na rin sa pagkakatumba.. dahil na rin sa pagkakatumba at pagdapo ng halimaw sa akin ay nabitawan ko nalang ang aking hawak na espada sa lupa..
napasigaw ito ng malakas na siyang pagbukaka ng kanyang matutulis na pangil malapit sa aking mukha at susunggaban na ako ng kagat habang nakahiga matapos kong matumba sa lupa dahil sa impact ng bilis ng pagkakatalon nito sa akin kahit na maliit ito.
Agad kong inilapit ang aking kanang kamay patungo sa maliit na parte ng kanyang katawan mula sa ilalim saka mabilis itong iniwaksi ng malakas dahilan ng pagkakahugot ng kanyang nakabaong galamay sa aking tagiliran.
"ARGGGGGG!!" ang aking malakas at malalim na paghiyaw dahil sa sakit na aking nararamdaman ng pagkahugot nito na siyang pagtilapon ng halimaw sa malayo dahil sa lakas ng aking pagwaksi.
dahil sa liit nito ay masyado itong mabilis at maliksi dahilan din ng aking pagkakatumba kahit na malaki ang aking pangangatawan.. sobrang sakittt ! napakatulis ng kanilang galamay at ni walang ilang minuto ay naibaon na nito ang kanyang galamay sa aking katawan.
nakita ko nalang din ang nakatayong pagdapo nito sa lupa na parang wala lang sa kanya ang malakas kong pagwaksi. napasigaw nalang ito ng nakakiritang huni at mabilis na tumakbo papalapit ulit sa aking direksiyon.
napapangiwe ako sa sakit saka ko inilapit ang aking kaliwang kamay sa aking kanang tagiliran kung saan ramdam na ramdam ko ang kirot at sakit ng malalim na sugat na aking natamo. nakita kong papalapit ang halimaw sa akin ng mabilis na siyang pag-angat ko ng aking katawan sa pagkakahiga.
"arggg!!" ang aking malalim na pagdaing dahil pag-angat ng aking katawan kung saan ay mas lalo kong nararamdaman ang sakit sa aking tagiliran..napakagat labi na lamang ako at itinukod ang aking kanang kamay sa lupa upang maiangat ko ang aking katawan hanggang sa napaupo ako sa lupa na siya ring mabilis na pagtakbo ng halimaw papalapit sa akin.
sa aking pagkakaupo ay nakita ko nalang ang aking espada na nasa lupa malapit sa akin.. dinig na dinig ko ang malakas na paghuni ng halimaw na siyang ilang metro nalamang ang layo nito sa akin hanggang sa tuluyan na ulit itong tumalon papalapit sa aking direksiyon.
tumalon ito ng malakas kung saan ay nakabukaka ang kanyang bibig at mga pangil upang akoy sunggaban.dali dali kong dinampot ang hawakan ng espada at itinaas ito mula sa aking harapan na siyang saktong sakto nakatutok sa nakabukakang bibig ng halimaw at tuluyan itong naibaon sa kanya dahil na rin sa bilis ng kanyang pagtakbo at sa lakas ng kanyang pagtalon.
para ba itong tinuhog ng aking malaking espada mula sa kanyang bibig na siyang nagkaroon ng butas sa kanyang malaking pwetan dahil sa pagkakabaon..nakita ko nalang ang pagtulo ng kanyang kulay berdeng dugo mula sa bibig nito na siyang pagkabitaw ko ng aking hawak na espada..
tuluyang bumagsak ang aking espada sa lupa kung saan ay nakatuhog ang maliit na halimaw na siyang kitang kita ko na bahagyang gumagalaw pa ang mga galamay nito. napapangiwe na lamang ako dahil sa pagkirot ng aking sugat na siyang dumudugo dahil sa laki at lalim ng aking natamo..
tangina sobrang sakit! para bang isang bilugang espada na napakatulis at mataba ang bumaon sa akin.. hindi ko lubos akalain na sa liit lang nito ay kaya niya akong masugatan ng malalim.. napakadelikado ng halimaw na ito malapaki man o mapa maliit.
marahan akong napatayo sa aking pagkakaupo habang napapangiwe at napapahawak sa aking tagiliran na nasugatan. itinukod ko sa lupa ang aking kanang kamay at hinila ang aking mga paa saka inapak ito lupa upang tumayo..
"arg!! k.kailangan kong makaalis rito.. kailangan kong bumalik sa Nayon.. sa anak ko" ang aking daing at nahihirapan sa paghinga habang tumutayo ako sa pagkakaupo.. napakagat nalamang ako ng labi habang ngumingiwe dahil sa sakit na aking nararamdaman hanggang sa tuluyan na akong napatayo..
r.ren anak.. sana ay ayos kalang hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa unang araw natin sa gubat..
nagsimula akong maglakad ng marahan habang iniinda ang sakit sa aking tagiliran patungo sa direksiyon ng Nayon. nakasukbit parin sa aking likuran ang bag na aking dala dala habang naglalakad ng marahan kung saan ay ramdam ko ang pagkirot ng sugat sa bawat paghakbang na aking ginagawa..
Naririnig ko na lamang ang mga huni ng mga halimaw sa paligid habang akoy naglalakad hanggang sa isang malakas na sigaw ng isang bata ang aking narinig di kalayuan sa aking kinaroroonan.
"R.ren!" ang aking gulat na saad ng marinig ang malakas na sigaw ng bata saka ako dali daling naglakad patungo sa kung saan nagmumula ang ingay.. napakagat labi na lamang ako at mahigpit na nakahawak ang aking kaliwang kamay sa aking sugat sa tagiliran dahil sa tinding sakit nito.
hindi.. alam kung hindi ito si ren dahil kitang kita ko ang pagtakbo nito papalayo.. pero hindi ako nakakatiyak at hindi rin kaya ng aking konsensya na pabayaan na lamang ito.
binilisan ko ng bahagya ang aking paglalakad habang naririnig ang malakas na sigaw ng bata na siyang lumalakas ng lumalakas hanggang sa nakita ko nalang ang malaking puno kung saan ito naroroon.
"Elren" ang aking saad sa pangalan ng aking anak at napatigil sa pagtakbo ng makita ko ang isang maliit na bata na siyang napapalibutan ng tatlong halimaw at marahan itong lumalapit sa bata.
nakasandal ang likuran nito sa malaking puno na siyang dumidikit lalo dahil sa marahang paglapit ng halimaw sa bata habang humihuni ito ng nakakairitang tunog habang nasa likuran nila ako.
nagulat na lamang ako ng makita ang bata kung saan ay may kaitiman ito at payat.. ang kanyang buhok ay itim ngunit mas lalo akong nagulat dahil sa nakataling lubid sa kanyang pulsuhan.
sa tingin ko ay isang alipin ang batang ito ngunit paano ito napunta sa gubat ng mag-isa lalong lalo na wala sa batas ang pang-aalipin sa kahariang ito.
"wag kayong lumapit. parang awa niyo naa! tulongg!" ang malakaas na sigaw ng bata ng tulong habang umiiyak ito sa takot habang nakatingin sa mga halimaw na iilang metro nalang ang layo mula sa kanya.
nanghihina na ang aking katawan dahil sa sakit ng aking sugat ngunit ayokong makita at iwan nalang basta basta ang batang ito..
itinaas ko ang aking kanang kamay patungo sa direksyong ng isang halimaw na nakatalikod sa akin mula sa malayo habang nahihirapan sa paghinga at ngumingiwe dahil sa sakit ng aking sugat sa tagiliran.. ramdam ko rin ang pagkabasa ng aking kamay at aking damit na suot dahil sa dahil ng dugong lumalabas mula sa sugat.
" W.wind Spheroid" ang aking mahinang saad habang humihinga ng malalim at inilabas ang natitirang magical essence sa aking katawan na siyang pagkabuo ng nakapabilog na hangin sa aking palad habang nakatutok ito sa halimaw.
Sa akin ring pagbigkas ay siya ring paglipad ng bilog na hangin mula sa aking palad patungo sa halimaw kung saan ay tumama ito sa kanyang malaking pwetan ngunit tilay wala itong epekto.
Napatalikod na lamang ang halimaw at napaharap sa aking kung saan ay sumigaw nalang ito ng nakakairitang pag huni dahil sa pagtama ng ginawa kong atake sa kanya..
nagulat nalang din ang bata dahil sa atakeng ginawa ko na siyang paglingon ng mga halimaw patungo sa aking direksiyon kung saan ay parang galit na galit ito dahil sa ginawa kong pakikialam.
mukhang yun nalang ang natirang magical essence sa akin.. Hindi ko na rin alam ang susunod kong gagawin dahil sa wala na rin akong natitirang lakas pa.
nanginginig ang aking mga binti at humihinga ng malalim dahil sa maraming dugo na ang nawala sa akin na siyang pagkaluhod ko sa lupa habang nakahawak parin ang aking kamay sa aking tagiliran..
napahuni na lamang ang mga halimaw ng malakas kung saan ay kitang kita ko ang pagbukaka lalo ang kanilang bibig na siyang naglalaway ng malapot na dagta..
Hinang hina ang aking buong katawan at nakita ko na lamang ang mga halimaw na tumakbo papalapit sa aking direksiyon habang akoy nanghihina na nakaluhod sa lupa..
bigla na lamang nandilim ang aking paningin na siyang marahang ikinabagsak ng aking katawan paharap sa lupa.m
Ito na yata ang katapusan ko.. patawad anak. patawad kung ganito ang nangyari.. patawad kong hindi kaagad kita nasundan.. Patawarin moko Elren sana ay nasa mabuti kang kalagayan.
Salamat po sa update authorš„°
ReplyDelete