TRUTH


Previous Chapter


CHAPTER TWO
(TRUTH)

 

ELREN ALYGRIUS POV.

5 years had passed and everything comes to my senses, I was reincarnated. At first I couldn’t believe that I was reincarnated.

Sa unang pagkakataon na naging klaro na ang aking paningin ay nagulat na lamang ako sa aking nakita. Habang buhat buhat ako ng isang lalaki na siyang ama ko, kitang kita ko ang paligid sa loob ng bahay.

The whole placed is a cabin, made of woods from the floor to the walls and ceiling, even the tables and furniture. Nagsisilbing ilaw naman tuwing gabi ay sulo at kandila.

Nasa dalawang palapag ang cabin na ito kung saan sa taas na bahagi naroroon ang dalawang kwarto at sa ibabang bahagi naman ang kusina, banyo at maliit na sala.

Habang lumalaki ako ay mas lalo akong namangha sa paligid at sa mga bagay bagay when I was one year old. Dahil na rin siguro na I have memories from my previous life kaya mas madali akong natututo at nakakaintindi lalong lalo na ang kanilang pananalita.

Sa ganung edad ko rin nakita ang itsura sa labas ng aming bahay. Ang unang bumungad sa akin ay ang silaw na mula sa araw at ang preskong hangin. Kitang kita ko kung gaano kalawak at kalapad ang lugar na nagkukulay berde kung saan ay napakagandang tignan.

Tanaw ko rin mula dito sa aming tahanan ang mga bahay na yari rin sa kahoy na may kalayuan sa isat isa. may mga puno rin akong nakikita na siyang mas lalong nagpaganda sa paligid na animoy isang perpektong lugar upang mamuhay ng payapa.

It was so amazing even though I came from a modern and advance world where there’s technology that ease the life of humanity through communication, travels, appliances, entertainment and etc.

It’s far too different from my previous life at habang lumalaki ako ay mas lalo akong namamangha sa mga bagay bagay na aking nakikita at natututunan.

Before I turned into two years old the first word that came out from my mouth is Rald, it was the name of my father. Kitang kita ko pa mismo ang gulat sa kanyang mukha habang kumakakain kami ng isang pagkain na para bang kamoteng kahoy. Kulay pula ang laman nito na manamis namis at masarap.

Hindi niya mapigilan ang sarili dahil sa tuwa and at the same time crying while hugging me. sa mga araw na rin iyon ay maynapansin akong kakaiba sa loob ng bahay.

Kahit noon pang hindi pa ako masyadong nakakakita ay klarong klaro na ang aking pandinig hanggang sa malapit na akong mag dadalawang taon ay walang sinuman sa bahay na ito kung hindi kaming dalawa lamang.

Wala akong narinig na boses ng babae o kahit na nakita na anino ng babae sa papapamahay na ito at parang hindi ko rin napapansin sa aking ama na para bang malungkot ito infact ay masaya ito at ginugugol ang oras sa pagpapalaki sa akin.

Hindi ko na lamang ito pinansin dahil alam ko na balang araw ay sasabihin rin sa akin ni itay ang totoo.

Dumating ang araw ng aking ikalawang kaarawan at sa araw ring iyon ay naghanda si itay ng kaunting salo salo. May karne ng isang hayop na nakalatag sa hapagkainan at may dalawang lalaki na bisita si itay..

Mga kaibigan sila ni itay kung saan ang isang lalaki ay mula rin dito sa Nayon habang ang isang lalaki naman ay para bang hindi taga rito. Sa araw na iyon ay niregaluhan ako ng lalaking iyon ng isang libro na siyang ikinagulat ni itay.

Nagtaka naman ako sa naging reaksiyon ni itay ngunit isinawalang bahala ko na lamang at tinanggap ni itay ang librong iyon na siyang may kakaibang cover. However, father kept that book and I don’t know where he hid it.

halos tatlong taong gulang na rin ako at natutunan ko na ang kanilang pananalita kaya at that time father decided to teach me how to read and write starting from basic.

Napag-alaman ko na halos nasa tatlumput dalawang letra ang kanilang ginagamit at kakaiba ang pagkakasulat. Tuwing umaga ay tinuturuan ako ni itay kung paano isulat ang aking pangalan na siya raw dapat unang una kong matutunan.

Nagtataka naman ako dahil sa walang papel at tanging sa isang pirasong tabla na manipis lamang ang ginagamit namin ni itay at isang sunog na kahoy na naging oling ang ginagamit naming panulat.

I didn’t mind it all for what I want is to know how to write and read at makalipas lamang ng tatlong araw ay naisulat ko na ang aking buong pangalan na siya namang ikinagulat ni itay dahil umaabot raw ng isang buwan o mahigit pa na tuluyang matutong isulat ang pangalan lalong lalo na sa edad ko na halos mag – aapat na taong gulang pa lamang.

sa isang malapad na tabla ko naisulat ang aking pangalan na si Elren Alygrius saka sinulat ko na din ang pangalan ni itay na si Rald Alygrius. Even though he was surprised at the first place, he still can’t deny himself to be happy for the achievement I’ve done.

Nagtataka rin ito dahil sa paraan ko ng pagsusulat kung saan ay mas mabilis akong natutong magbasa. Umabot sa Isang taon ang lumipas at apat na taong gulang na ako kung saan ay tuluyan na nga akong natutong magsulat at magbasa. 

Apat na taong gulang na rin akong laging iniiwan ni itay sa bahay upang pumunta ito sa gubat upang mangaso ng pagkain na siyang inuuwi nito lagi tuwing gabi. Minsan ay nakakahuli ito ng malaking hayop na siyang mahigit sa sampung araw na kainan naming dalawa ni itay.

***

Dumating ang araw na limang taong gulang na ako at unang araw din na nakalabas ako sa aming tahanan papunta sa sental ng Nayon. Tuwing wala si itay sa bahay upang maghunt ng hayop sa gubat ay nasabahay lamang ako at pinagmamasdan ang sentro mula sa bintana ng bahay namin o sa labas ng bahay.

hindi ako pinapayagan ni itay na lumabas ng bahay hanggat hindi pa ako nagkakaedad ng limang taong gulang. Hindi ko alam ang dahilan ni itay at tanging pagbabasa at pagsusulat lamang ang aking inaatupag sa loob ng bahay.

Dumating kaming dalawa ni itay sa sentral ng Nayon at hindi ko maitago ang aking galak ng makita kung gaano kaganda itong village. May mga batang naglalaro at naghahabulan, sa daan naman ay makikita mo ang iilan na nagbebenta ng kung ano ano.

Palinga linga lamang ako sa paligid at ang galak na aking nararamdaman ay napalitan ng pagtataka. Simula ng makarating kami ni itay sa sentro ay wala akong makita ni isang babae mapabata man o matanda.

Kinusot ko ang aking mga mata at nagpalinga linga ulit sa paligid ngunit wala talaga akong makita kahit anino ng babae. Taking taka ako sa sarili ko and curious na rin kung bakit wala akong makitang babae sa Nayon.

May nakasalubong akong dalawang lalaki kung saan ang isa ay malaki ang pangangatawan at ang isa naman ay parang nasa edad labing lima na masayang hawak hawak ang sanggol sa kanyang mga kamay. Ang saya saya nilang tatlo bilang magkakapatid.

Natapos an gaming pagiikot ni itay sa sentro ng Nayon at hindi maialis sa aking isipan kung bakit wala kong makita ni isang babae at sa nakikita ko sa mga taong nakasalubong ko ay parang normal lang ito sa kanila.

Gulong gulo ang aking isipan dahil sa mga iniisip ngunit binaliwala ko nalang ito hanggang sa tumuntong ako ng pitong taong gulang. Dalawang taon simula ng una akong nakapunta sa sentro ay lagi na akong sinasama ni itay tuwing nagbebenta ito ng karne o mga kahoy na nakukuha sa gubat.

Mahigit sa tatlong kilometro ang layo ng Nayon sa gubat at dito kumukuha ang mga tao ng pangangailangan katulad ng panggatong na kahoy, pagkain, mga prutas, mga materyales sa paggawa ng bahay, kagamitan at iba pa.

Sa loob ng dalawang taon na pabalik balik ako sa sentral ng Nayon ay wala paring pagbabago at gayun din sa mga taong nakakasalubong ko. ngunit kumpara sa mundong kinagisnan ko noon ay masasabi ko na nakakaangat ang mga tao dito dahil sa kanilang gwapong pagmumukha at malalaking katawan na animoy nag gygym.

Sa mga taon rin na pumupunta ako sa sental ng Nayon ay nasanay na ako sa aking nakikita. Kahit na puro lalaki lamang ang nasa paligid mapa sanggol man o matanda ay nasanay na ako ngunit noong umpisa ay parang gulong gulo ang isipan ko.

7 years had passed at masasabi ko na marami na akong natutunan sa mundong ito katulad ng kanilang kalendaryo na naglalaman ng siyam na araw at may labing tatlong buwan. Mayroong 35 days sa pitong buwan at 33 days naman sa anim na buwan at 443 kada isang taon.

Hapon na at kasalukuyan akong nasa sentral ngayon upang bumili ng gatas ng kalabaw na siyang naghahalaga nang limang pirasong pilak kada isang litro. Dahil sa maliit lamang ang supply ng gatas kaya mataas ang presyo nito. Isang litro ng gatas ay tinitipid naming dalawa ni itay sa loob ng isang buwan dahil sa may kamahalan ito.

Bitbit ang gatas sa isang kawayang lalagyan at may takip sa dulo ay naglalakad na ako palabas sa tindahan na aking pinagbilhan. Napakaganda ng sikat ng araw na siyang hindi gaano kainit kapag tumama sa iyong balat.

Hindi naman marami ang tao sa sentro dahil sa maliit lamang ang Nayon na ito na sa tingin ko ay umaabot lamang ng 80 ang nakatirang mamamayan.

Sa wakas ay nakabili na ulit kami ni itay ng gatas... masiyadong kinapos kami noong nakaraang buwan dahil sa panay ang ulan kaya mahirap kumuha ng kahoy na panggatong at kahoy na ibebenta.

“sa wakas ay makakatikim na ulit ako ng gatas.. maamoy nga” ang aking masayang saad saka inalis ang takip ng kawayan upang amoyin ito.

habang bitbit ang kawayan sa aking harapan at inaamoy ito ay bigla na lamang may bumangga mula sa aking likuran na siyang dahilan ng aking pagkatumba.

Napatid ang paa nito sa pagkakabangga sa akin dahilan upang bumagsak rin ito patihaya sa lupa. sa aking pagkakatumba ay nabitawan ko ang kawayan at tumilapon papunta sa bumangga sa akin na siyang dahilan ng pagkatapon ng laman nito sa kanya.

Nakaluhod ako at ang aking dalawang palad ay nasa lupa na nagsisilbing pantukod ko.

Lagot yung gatas natapon. Pano na ito mahigit dalawang buwan rin na pinagipunan ni itay ang pera upang makabili ng gatas.

“p.p.pasensya na” ang aking narinig mula sa kanya at parang nanginginig ang kanyang boses na siyang ikinaangat ng aking ulo upang tignan ito. nakita ko ang kanyang mukha na para bang may pasa ito sa kanyang labi.Basang basa ang kanyang damit dahil sa natapong gatas at kita ko rin ang mga pasa sa kanyang kaliwang Kamay. wala rin itong suot sa kanyang paa at puro ito putik.

 “okay kalang ba?” ang aking pag-aalalang tanong na siyang ikinatayo ko sa aking pagkakaluhod sa lupa at lumapit sa kanya habang nakatihaya parin ito sa sahig.

bakit puro pasa ang kanyang katawan at basag ang boses. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kaming dalawa. Parang nanghihina rin ito siguro dahil sa kakatakbo.

wala akong nakuhang sagot mula sa kanya at ang kanyang damit ay nakaangat ng kaunti na siyang basang basa dahil sa natapong gatas. Napatigil ako sa kanyang kanang bahagi habang nakatihaya parin ito sa lupa at dun ko nakita ang kakaibang marka sa kanyang puson na bahagyang natatakpan ng kanyang suot na short.

“ano yang nasa tiyan m-“ ang aking tanong sana sa kanya ngunit naputol ito sa isang malakas na sigaw na siyang ikinagulat ko.

“wala!!” ang malakas ng sigaw nito saka dali daling tumayo at napaharap sa akin. Nakita ko ang kanyang mukha na para bang nagulat din sa kanyang ginawa saka ito napatingin sa kaliwang bahagi kung saan ito tumatakbo palayo kanina.

Napatingin rin ako sa kaliwang bahagi kung saan ito nakatingin at bigla na lamang itong tumakbo palayo. Nagulat ako sa biglaan nitong pagtakbo na paika ika sa kaliwang binti.

“sandali!” ang aking sigaw sa kanya ngunit patuloy lamang ito sa pagtakbo palayo habang nakatayo parin ako sa aking kinalalagyan.

Sa tingin ko ay may tinatakbuhan ito ngunit wala naman akong may nakita na humahabol sa kanya. ngunit ano kaya ang itim na marka sa kanyang puson at sa tingin ko ay nakita ko na ito dati eh.  

Napatingin ako sa ibaba na siyang nagpagising sa aking isipan ng makita ang kawayan sa lupa.

“yung gatas.. lagot ano na ang gagawin ko nito ang mahal mahal mo pa naman” ang aking saad saka iniyuko ang aking katawan at inabot ng aking kanang kamay ang kawayan mula sa lupa.

Dinampot ko ito at naramdaman na umaalog alog pa ito sa loob at may kaunti pang laman. Inilapit ko ang bukana ng kawayan sa aking kanang mata upang silipin ang laman at nakita ang gatas sa loob na hindi na umaabot sa one fourth ang laman..

“tyak na mapapagalitan ako ni itay nito” ang aking saad saka ko dinampot ang takip nito sa lupa na siyang nabitawan ko rin dahil sa pagkakatumba kanina. Tinakpan ko ang kawayan at nagsimulang maglakad pauwi sa bahay habang nakasimangot.

Halos pitong minutong paglalakad ang layo ng bahay namin mula sa sentro at nakabalik na rin ako. nakita ko si itay na may inaayos sa shed mula sa labas na siyang ikinapikit ko ng aking mga mata at huminga ng malalim habang yakap ang kawayan.

Naglakad ako patungo sa kanya at hindi pa man ako nakakalapit ay tumalikod na ito na siyang pagkakita sa akin. Hawak nito ang mga panggatong na kahoy na kanyang inaayos sa loob ng shed.

“ohh anak nakauwi kana pala bat parang nakasimangot ka? Hindi kaba nakabili ng gatas?” ang kanyang saad. Tumalikod ito saakin saka pumasok sa shed at ipinatong ang bitbit na panggatong na kahoy sa loob.

Napayuko na lamang ang aking ulo at napatingin sa lupa na siya namang paglabas ni itay sa shed at napatingin sa akin.

“nakabili po.. k.kaso natapon ko po ito itay” ang aking mahinang saad habang nakayuko ang ulo at nakasimangot. Iniangat ko ang kawayan gamit ng aking dalawang kamay sa harapan ni itay habang nakatingin sa lupa.

Naramdaman ko nalang ang malaki at mabigat na kamay ni itay sa aking ulo saka niya ginulo ang aking buhok.

“eh pano ba iyan sa susunod na buwan pa tayo makakabili ng panibagong gatas. Handa kabang maghintay anak?” ang saad ni itay habang ginugulo ang aking buhok na siyang ikinaagat ng aking ulo at napatingin sa kanyang mukha.

Nakangite ng napakagwapo si itay na siyang ikinangite ko rin at tumango.

“opo itay. pasensya na po.. sa susunod po babantayan at iingatan ko pong mabuti para hindi matapon ulit” ang aking nakangiteng saad sa aking ama saka ko inilapit ang hawak kong kawayan at niyakap itong muli.

“o siya pumasok kana sa loob at tatapusin ko lang itong ginagawa ko. maligo ka na rin dahil sa marumi na ang iyong suot at amoy pawis kana anak.” ang saad ni itay habang nakangite saka niya inalis ang kanyang kamay sa aking ulo.

Sayang naman at maghihintay ulit ako ng isang buwan para makabili ng gatas. Ano na kaya ang nangyari sa batang iyon at bakit may kakaibang marka ito sa kanyang puson. Hays, kasalanan ko rin naman kung bakit natapon yung gatas.

“sige po itay pasok na po ako” ang aking saad saka nagsimulang maglakad patungo sa bahay. Si itay naman ay naglakad patungo sa mga panggatong na kahoy at malalaking trunk ng kahoy na nasa tabi ng shed.

pumasok ako ng bahay kung saan ay nakabukas ang pintuan nito. naglakad ako patungo sa hagdan ngunit napatigil na lamang ako at napatingin sa may kusina.

Nakita ko ang pintuan ng basement na nakabukas ng bahagya sa ilalim na lamesa kaya naglakad ako patungo rito at ipinatong ang hawak na kawayan sa ibabaw ng mesa.

Basement? May basement sa ilalim ng mesa? hindi ko napansin na meron palang basement dito sa bahay. Wala namang may sinabi si itay o naikwento na may basement sa ilalim ng mesa.

Iniyuko ko ang aking katawan at bahagyang nag squat saka dahan dahang pumasok sa ilalim ng mesa sa tapat ng nakabukas na pintuan ng basement. Kita ko ang hagdan pababa sa basement saka nakikita ko rin mula rito sa taas na may mga bagay na nasa loob nito.

ano kaya ang nasa loob ng basement.. matignan nga tutal nasa labas pa naman si itay at marami pang oras bago maligo.

Iniupo ko muna ang aking pwetan sa sahig saka ko ibinaba ang kaliwang paa at iniapak sa hagdan. Umulos ako ng kaunti sa dulo ng pintuan ng basement saka inangat ang aking pwetan at dahan dahang humakbang sa kasunod na apakan hanggang sa napatayo na ako habang naglalakad pababa.

Halos sampung hakbang ang aking ginawa pababa sa hadgan at tuluyan na akong nasa loob ng basement. Dahil sa liwanang na nagmumula sa labas ay naaaninag ko ang loob.

Hindi naman ito malapad ngunit sakto lang sa mga gamit na nasaloob nito. palinga linga ako sa paligid kung saan ay may mga nakasabit na bagay bagay sa dingding. Isa na rito ay ang espada na parang may kalumaan na ngunit hindi kinakalawang.

Palinga linga ako sa paligid at nakita ko na lamang ang isang malaking chest na kung saan ay kasya na ang dalawang bata sa loob. Out of curiosity ay naglakad ako papalapit sa old chest upang alamin kong anong laman sa loob.

“parang luma na ang baul na ito siguro ay matagal na itong tinatago ni itay dito sa basement dahil hindi na mapakinabangan” I said and gently touch the top of the chest. Napapalibutan ito ng makapal na alikabok saka ko tinaggal ang aking kamay at ipinahid ito sa aking damit dahil sa alikabok na dumikit.

Mukhang matagal na rin itong hindi nabubuksan dahil sa kapal ng alikabok na nakapalibot dito. siguro ay hindi na rin ni itay pinapakialaman ang mga gamit dito sa loob dahil sa mga alikabok na nakadikit sa mga ito.

Inilapit ko ang aking dalawang kamay sa baul saka ito dahan dahan binuksan ngunit bigla na lamang itong bumuka na siyang pagkalat ng makapal na alikabok na nakakapit sa paligid na malapit sa baul.

Narinig ko pa ang bahagyang pagkalabog ng baul. dali dali kong ipinikit ang aking mata at inilapit ang kanang kamay saka tinakpan ang aking bibig at ilong gamit ang palad. Ang kaliwang kamay ko naman ay pinapaypay ko sa harapan ng aking mukha upang itaboy ang alikabok.

Makalipas ng ilang minuto ay dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata at mukhang hindi na gaano kakapal ang alikabok na lumilipad sa ere.

Tinaggal ko ang aking kamay na nakatakip sa aking ilong at bibig saka ako sumilip sa loob ng baul. Inside the chest was some brown papers na nakarolyo na nasa ibat ibang sizes.

sa kanang bahagi ng baul ay nakita ko ang isang dirty white na papel na nakapatong sa isang libro kaya inilapit ko ang aking kanang kamay saka kinuha ang papel saka ito tinignan.

Ibang klase ang nakasulat sa papel kung saan ay mag tatlong bilog mula sa maliit hanggang sa malaki at nakapalibot naman dito ang mga simbolo na hindi ko alam kung ano. Nasa sampung simbolo ang nakapalibot dito at sa gitna ng maliit na bilog ay isang simbolo na para bang crystal. May mga nakasulat din sa papel ngunit hindi ko alam kung pano basahin dahil sa kakaiba ito.

Ibinaba ko ang aking kaliwang kamay habang hawak ang papel at napatingin muli sa baul at bahagya akong nagulat ng makita ang isang libro na siyang natatabunan kanina ng papel na hawak ko.Isang libro kung saan ay may kakaiba itong cover ng isang marka.

Iniyuko ko ang aking katawan saka ibinalik sa loob ang papel at inabot ng kanang kong kamay ang libro sa loob ng baul. Kinuha ko ito saka malapitan kong nakita ang marka na siyang ikinalaki ng aking mata ng bahagya.

Kahawig ng markang ito ang nakita ko kanina mula sa lalaking nakabangga sa akin. ngunit parang nakita ko na ang librong ito hindi ko lang matandaan kung kailan.

Hawak ko ang libro sa aking kanang kamay saka ko hinimas ng kaliwang kamay ang cover ng libro.

Ibang klase ang gumawa ng librong ito na parang balat ng hayop ang ginamit na cover ng dahil sa makapal at bahagyang magaspang ito.

Dahan dahan kong binuksan ang libro gamit ng aking kaliwang kamay saka ko nakita ang nakasulat sa unang pahina.

“Metra” ang aking pagbasa sa nakasulat sa unang pahina ng libro. Agad ko namang binuksan ang kasunod na pahina nito.

“Metra represents procreation and prospherity. It's a mark that may be discovered on a grown boy's lower belly. Early stages of Metra occur between the ages of 2 and 5 if the navel is narrow, and it will fully form when the male reaches the age of 12.

Those that have a Metra mark are capable of delivering birt~“

Napatigil na lamang ako sa pagbabasa na siyang ikinalaki ng aking mata dahil sa gulat ng aking nalaman. Nakatayo lamang ako at parang naistatwa at hindi makagalaw habang dumidilim ang paligid dahil sa papalubog na ang araw.

Metra? Isang marka kung saan pweding mabuntis ang mga lalaki. Sa paanong paraan naman mabubuntis ang isang lalaki? O basta basta nalang bang nabubuntis ang may mga marka?

Next Chapter  

- lilbunni3 - 

 


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

KARANASAN NI BOBOY

UNDESIRABLE

ONE SHOT SERIES

UNDESIRABLE- CHAPTER SIXTEEN

New Year Special

UNDESIRABLE - CHAPTER FIFTEEN

One Shot : Pulis ( part two )

THE LOST CHILD

LUSTFUL ADVENTURE

UNDESIRABLE- CHAPTER FOURTEEN