FOUND
NARRATOR
Isang bugso ng makapangyarihang
hangin na lamang ang bumalot sa buong gubat makalipas lamang ng ilang minuto na
siyang dahilan ng pagkalusaw ng mga halimaw sa ere hanggang sa walang matirang
bakas nito..
Napalaki na lamang ang mga mata
ni Xeo ng masaksihan sa kanyang harapan ang pagkalusaw ng halimaw bago paman
nito bigkasin ang kanyang SKILL.
Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita o
nasaksihan at bakas sa mukha nito ang pagtataka dahil sa nangyari habang
nakaangat parin ang kanyang kanang kamay paharap kung saan ay may nagliliyab na
apoy sa palad nito.
“MGGHHH!”ang ingay na nagawa na
lamang ni Sylve kung saan ay nahihirapan na ito sa paghinga at nanghihina ang
sarili dahil sa makapal na sapot sa katawan nito lalong lalo na sa mukha na
siyang ikinalingon ni Xeo dahil sa pagdaing ng kaibigan.
Natatabunan na lamang ang mukha
ni Sylve ng malagkit na supot hanggang sa mga tenga nito kung saan ay wala
itong makita, marinig , hindi rin makapagsalita at lalong lalo na nahihirapan
ito sa paghinga.
“Sylve!” ang pagtawag nito sa
pangalan ng kaibigan ng makita itong nakahiga at nahihirapan na ang estado nito
habang nababalot din ang kanyang katawan ng malagkit na supot.
“Tangina paano ba tanggalin ang
bagay na ito at napakalag~” ang saad ni Xeo na siyang ikinamura na lamang nito
saka iniyuko ang kanyang ulo upang tignan ang katawan na nababalot ng sapot
habang nakaupo..
napatigil na lamang itong tapusin
ang kanyang pagsasalita at napangise na lamang ng malapad ng masaksihan nito
ang kakaibang pangyayari.. nakita na lamang ni Xeo ang pagkasunog ng sapot sa
nakayukong tuhod patungo sa kanyang balakang na siyang malapit sa nakaunat na
kanang kamay kung saan nagliliyab ang apoy sa palad nito.
hindi ko alam na kayang maglabas ng ganitong kalagkit na bagay ang mga
pisting halimaw na iyon pero mukhang hindi na ito problema pa..
nakangise itong inilapit ang
kanyang kanang palad patungo sa kanyang dibdib kung saan ramdam nito ang lagkit
ng sapot sa kanyang kanang balikat..
hindi paman tuluyang nakalapit
ang apoy sa sapot mula sa katawan ni Xeo ay dahan dahan na itong natutunaw
dahil sa init hanggang sa napadampi na ng tuluyan ang apoy..
pagkadampi na lamang ng apoy sa
sapot ay mabilisan agad itong nalusaw sa hangin na para bang isang hibla ng
sinulid simula sa dibdib ni Xeo kung saan dumampi ang apoy na siyang kumalat sa
kabuoan ng sapot sa kanyang katawan ng iilang segundo lamang.
“tangina gumana nga. pinahirapan pa akong
gumalaw kanina” ang napamurang saad ni Xeo at agad nitong ikinuyom ang mga
daliri sa kanang palad na siyang pagkalusaw rin ng apoy sa hangin habang
nakayuko itong nakatingin sa kamay.
“mghhh mgghhh!” ang mga daing ni
Sylve na siyang kinakapos na ng hangin dahil sa malagkit na sapot sa mukha nito
kung saan nahihirapan na itong huminga.
“shit! Sandali lang Bro” ang saad
ni Xeo at napatingin kay Sylve ng marinig nito ang daing ng kaibigan kung saan ay
agad nitong itinukod ang kanang kamay palikod sa lupa kasabay ng paghila ng
kanang paa na siyang pagbaluktot nito kagaya ng kaliwang paa na nakaapak sa
lupa..
Inangat ni Xeo ang kanyang pwetan
sabay ng pagtulak nito ng kanyang kanang kamay sa lupa hanggang sa tuluyan na
itong napatayo at kaharap ang kaibigan na nakahiga sa lupa..
napatakbo nalang si Xeo sa
kinaroronan ni Sylve saka nito iniyuko ang katawan kaharap ang nakatihayang
kaibigan sa kaliwang bahagi..pagkayuko ni Xeo ay inilapit nito ang kanang kamay
patungo sa dibdib ng kaibigan kung saan ay nababalot ang harapan ng katawan
nito ng malagkit na sapot hanggang mukha..
Pucha! Hindi pa ako nakakaganti sa pisting halimaw na iyon sa ginawa
saaming dalawa ni Xeo kaya hindi ako pweding mamatay ng basta basta lang!
hahanapin ko ang halimaw na iyon kahit anong mangyari!
Ang galit na saad ni Sylve sa
kanyang isipan na siya nalang pag-init ng kanyang buong katawan kung saan
namumuo ang kapangyarihan nito dahil sa nararamdaman.
“Nghhh!!!” ang maririnig mula kay
Sylve dahil sa malakas at malalim nitong paghugot ng lakas dahilan ng pag-init
lalo ng kanyang buong katawan na siya ring paglabas ni Xeo ng apoy sa palad
nito..
Narinig na lang din ni Xeo ang
malalim nitong pagdaing kung saan napadampi na lamang ang apoy sa sapot mula sa
inilabas ni Xeo mula sa palad nito dahilan ng pagkalusaw nito mula sa dibdib na
siyang pagkalat nito sa buong sapot hanggang sa mukha..
“HAAAAAA!” ang malalim na
paghinga na maririnig mula kay Sylve ng tuluyan ng nalusaw sa hangin ang
malagkit at makapal na sapot sa mukha nito kung saan ay napaginhawa ito ng
malalim.
“Akala ko patay kana eh” ang
pabirong saad ni Xeo saka nito itinuwid ng tayo ang nakayukong katawan at
bahagyang napatawa habang nakayuko ang ulo na nakatingin sa kaibigan habang
nakahiga kung saan kitang kita nito ang ginagawang malalalim na paghinga..
“HAaa! Gago! HAA!” ang pagmura ni
Sylve sa kaibigan dahil sa narinig saka nito itinaas ang kanyang kaliwang kamay
na siyang namang paglapit ng kanang kamay ni Xeo sa kanyang kamay nito kung
saan mahigpit na hinawakan ng kamay ni Xeo ang kamay ni Sylve ganun din si
Sylve sa kamay ni Xeo.
May pwersang hinila ni Xeo ang
kamay ni Sylve dahilan ng pag-angat ng itaas na bahagi ng katawan ng kaibigan na
siya ring paghila ni Sylve sa kanyang kanang paa hanggang sa napayuko ito at
napaapak ang talampakan sa lupa..
Tuluyan ng napaupo sa lupa si
Sylve kung saan niluwagan nilang dalawa ang kanilang pagkakahawak sa mga kamay
saka agad na bumitaw kung saan nakatayo si Xeo sa kaliwang bahagi ni Sylve
habang nakayuko itong nakatingin sa kaibigan..
Nakapatong ang kanang kamay ni
Sylve sa kanyang kanang tuhod na nakayuko at nakaapak ang talampakan sa lupa
kung saan napatingin ito sa kanyang harapan dahilan ng pagkunot nito ng kanyang
nuo.
“anong nangyari? Nasaan ang mga
halimaw?” ang pagtatakang saad na lamang ni Sylve na siyang pag-angat nito ng
tingin kay Xeo kung saan bakas sa mukha nito ang pagtataka at parang hindi
makapaniwala sa nakikita.
“hindi ko alam” ang maikiling
sagot ni Xeo sa kaibigan kung saan ay napatalikod na lamang ito kay Sylve sabay
ng pag-angat ng ulo nito at napatingin sa malayo kung saan nagmula ang
naramdaman nitong malakas na kapangyarihan.
Ngayon lang ako nakaramdam ng ganong kalakas na kapangyarihan sa buong
buhay ko pati na rin ang mga halimaw na nakasagupa namin ni Sylve na siya
nalang nalusaw dahil sa kapangyarihang iyon.. sino o ano ka nga ba?
XEO POV.
“hindi ko alam ang nangyari
ngunit tiyak akong malalaman natin ang sagot mula sa direksiyong iyon” ang
aking seryosong sagot kay Sylve habang Nakatingin lamang ako sa malayo kung
saan ko naramdaman ang malakas na kapangyarihan na siyang nagpalusaw sa mga
halimaw sa iisang iglap lamang..
“ano ba ang nangyari at parang
seryosong seryoso ka? Nasaan na ang mga pisting halimaw?” ang pagtatakang saad
ni Sylve kung saan ay napatayo ito sa lupa habang nakatalikod ako sa kanya.
“wag mong sabihin na hindi mo
naramdaman ang malakas na kapangyarihan kanina?” ang aking pagtatakang saad at
napatalikod na lamang upang harapin ito kung saan ay tuluyan na itong nakatayo
saka napatingin sa akin.
“anong kapangyarihan? Ramdam ko
lang na nahihirapan na akong makahinga dahil sa maka potang inang bagay na
iyon” ang kanyang saad kung saan bakas sa boses nito ang galit dahil sa
nangyari kanina na siya ring ikinakunot ng kanyang nuo habang nakatingin sa
akin na tilay walang alam sa nangyari..
“imposible na hindi mo ito
maramdaman dahil sa lakas nito..yun ang dahilan kung bakit nawala ang mga
halimaw sa isang iglap lamang” ang aking saad sa kanya kung saan napakunot
nalang din ang aking nuo dahil sa pagtataka habang nakatingin sa kanya.
“malay ko ba sa kapangyarihang
yun eh tangina gusto ko pang pagtadtarin yung pisting halimaw na gumawa saakin
nun kung hindi sila nawala” ang kanyang galit na saan at bakas sa boses nito
ang pangigigil habang nakatayo ito at kaharap namin ang isa’t isa na siyang
ikinagulat ko nalang dahil sa narinig.
“gago kung hindi sila nawala
malamang pinagsasaluhan na tayo ng mga yun.” ang aking pabirong saad saka
napatalikod sa kanya kung saan ay bakas parin sa aking mukha ang pagtataka..
Sa lakas ng kapangyarihan iyon ay imposibleng hindi man lang naramdaman
ni Sylve ito dahil sa taglay nitong lakas.. siguro ay natuon ang kanyang
atensiyon dahil sa hindi ito makahinga ng maayos..
“mas gusto ko pang pagsaluhan ako
ng mga bata kesa sa mga halimaw na iyon.. ahh shitt pagnatapos na itong
kinginang misyon na ito ay dadalaw kaagad ako sa Ampunan upang magatasan” ang
narinig ko na lamang mula kay Sylve na siyang ikinangise ko na lamang at
bahagyang iniling ang aking ulo saka inihakbang ang aking mga paa paharap..
“tara na nga para matapos na
ito.. tiyak na rin akong naghihintay ang mga batang iyon ng malaki at matabang
karne sa kanilang mga tyan” ang aking nakangiseng saad at nag-simulang malakad
papalayo kay Sylve kung saan ay napayuko ang kanyang katawan at inabot sa lupa
ang espada..
“ano pa nga ba e libreng karne na
may pagatas pa” ang pabirong saad ni sylve at narinig ko din ang bahagyang
pagtawa nito kung saan ay tuluyan na nitong nadampot ang kanyang espada mula sa
lupa saka ito napatayo ng tuwid..
Hindi pa man ako nakakalayo ng
tuluyan ng mapansin kong nagsimula na rin itong maglakad kung saan ay ipinasok
nito ang kanyang sandata sa lagayan nito na nakasukbit sa kanyang bewang sa
kaliwang bahagi..
nagsimula kaming dalawa sa
paglalakad patungo sa direksiyon kung saan ko naramdaman ang malakas na kapangyarihan
kanina at hindi makalimutan ang pangyayari.. kitang kita ko mismo ng aking
dalawang mga mata kung paano nasulaw na parang abo sa ere ang mga halimaw at
narinig ang animoy para bang kumikinang na malakristal na tunog.
Hindi ako nagkakamali sa aking naramdamang kapangyarihan kanina ngunit
wala rina kong kilala sa guild na maylakas na magpalabas ng ganoong
kapangyarihan maliban na malamang kung isa kang
“Thaumaturge” ang aking mahinang
pagkakasabi habang patuloy lamang kaming dalawa ni Sylve sa aming paglalakad
kung saan ay nasa kanang bahagi ko na ito. hindi ko maiwasang magulat dahil sa
aking sinabi at iniisip na siyang ikinalaki ng aking mga mata ng bahagya habang
naglalakad.
“Xei. Tignan mo ang lupa” ang
saad ni Sylve kung saan ay napaangat ang aking tingin sa kanya dahil sa
pagtawag nito sa aking pangalan at nakita sa mukha nito ang pagiging seryoso.
Napatingin ako sa lupa at nakita ko na lamang ang napakaraming mga butas na
siyang bilugan at malalalim saka kulay berding dagta.
“mukhang napadaan din sa lugar na
ito ang mga halimaw” ang dagdag na saad ni Sylve kung saan ay nagsimula itong
humakbang paharap patungo sa daan kung saan ay makikita ang mga butas sa lupa
at mga tulo ng kulay berding dagta.
“ganun na nga siguro, hindi rin
natin alam kung ano ang tutuong pakay ni.. Sylve tignan mo” ang aking saad saka
nagsimula na ring humakbang paharap kung saan ay nakatingin ako sa butas butas
na lupa. inilingon ko ang aking ulo patungo sa kaliwa upang tignan ang lugar na
nasasakop ng butas butas na lupa dahil sa mga halimaw na siyang ikinatigil sa pagsasalita.
“bakit anong me-“ ang saad ni
Sylve at napalingon ito saakin kung saan agad naman nitong inilingon ang ulo
patungo sa kung saan ako nakatingin na siyang ikinatigil nito sa pagsasalita.
Kitang kita naming dalawa ang
malaking pwetan ng halimaw habang nakatalikod ito sa amin na siyang mahigit sampung
metro lamang ang layo sa aming
kinatatayuan kung saan ay hindi na ito gumagalaw dahil sa pagiging bato ng
kanyang buong katawan..
“tangina, mukhang may naiwan
atang kasamahan rito ah” ang napamurang saad ni Sylve at bahagyang napatawa
dahil sa nakita saka ito nagsimulang humakbang papalapit sa kinaroroonan ng
halimaw na naging bato..
Hanggang dito nasasakop ng halimaw? Mukhang kumalat ang mga ito sa
buong paligid ng gubat lalong lalo na rin sa kanilang dami..
Inihakbang ko rin ang aking mga
paa patungo sa kinaroroonan ng halimaw na naging bato hanggang sa nakita ko ito
ng malapitan na siyang aking ikinagulat at ikinamangha dahil sa nakikita. Nakita
ko nalang ang kakaibang itsura nito kung saan ang dalawang matulis na galamay
nito ay nakaangat at nakatutok sa lupa gayun din ang mukha nito na siyang
nakabuka ang mga matutulis na pangil..
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng halimaw ni kahit sa mga
libro ay hindi ko ito nakita.. napakatulis ng mga galamay at kayang butasan ang
lupa lalong lalo na ang mga pangil nito na kung sakali man na makagat ka ay
tyak na mababaon ito ng malalim..
“bakit nakatingin ito sa lupa na
para bang handa na itong sumakmal? Hindi kaya bago pa ito naging bato ay may
nahuli o hinahabol ito” ang tanong na saad ni Sylve habang nakatayo sa kanang
bahagi ng halimaw habang ako naman ay nakatayo sa kaliwang bahagi. Napaangat
ang kanyang ulo at napatingin ito sa akin na siya ring pag-angat ng aking ulo
at napatingin sa kanya..
“ngunit bago paman nagsilabasan
ang mga halimaw na ito ay nagsitakbuhan na ang mga hayop papalay-.. wag mong
sabihin na tao?” napatigil na lamang ako sa pagsasalita at napatingin sa kanya
ng seryoso na siyang ikinangise lamang ng tarantado..
“swerte niya naman at naging bato
itong kinginang to bago pa siya makain” ang kanyang saad at napatingin sa
halimaw na siyang minura nito.
Napalayo ako ng bahagya sa
estatwa ng halimaw saka iniyuko ang aking ulo at napatingin sa lupa kung saan ay
nakita ko ang kulay berding dagta at mga malalalim na butas.. napakunot na
lamang ang aking ulo saka inilingon ang aking ulo mula sa ilalim patungo sa
kaliwa kung saan nakita ko ang mga butas sa daan at linya ng tumulong dagta na
siyang aking ikinagulat.
Yung direksiyon ng nakaistawang halimaw at mga yabag nila sa daan pati
narin ang dugo nitong kulay berde ay papunta sa direksiyon kung saan ko
naramdaman ang malakas na kapangyarihan.. kung maswerte nga ang taong nakaligtas
sa halimaw na ito ay baka alam din niya kung anong nangyari dito sa gubat at
nagsilabasan ang mga halimaw.
“Sylve sa tingin ko ay papunta
ang mga halimaw sa direksiyon ito kung saan ko rin naramdaman ang kapangyarihan”
ang aking saad sa kanya saka napaharapn sa direksiyong iyon at nagsimulang
inihakbang ang mga paa paharap..
Nagsimula akong maglakad papalayo
sa kinaroroonan ni Sylve habang nakatingin sa harap kung saan ay kitang kita ko
ang mga yabag at dugong naiwan ng halimaw na siyang patungo rin sa direksiyong
aking pupuntahan..
“Sandali Xei meron akong nakita”
ang narinig kong sigaw mula kay Sylve ngunit hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy
lamang ang aking paglalakad na siyang paglayo ko lalo sa kanya..
Kailangan kong masaksihan mismo ng aking mga mata kung sino o anong
bagay ang may gawa ng ganung kalakas na kapangyarihan at kayang lusawin ang mga
halimaw ng ilang saglit lamang.. sakali man din na mahanap din namin ang bata.
SYLVE POV
Habang nakatayo ako at kaharap
ang halimaw na naging bato ay nakita ko na lamang ang paglakad ni Xei palayo
patungo sa direksiyon kung saan makikita ang mga yabag ng halimaw sa daan.
Hindi ko alam kung anong nangyari kanina at bakit nawala nalang ang
napakaraming halimaw sa paligid dahil sa pisting bagay na iyon na tinakpan ang
buong mukha ko. wala din akong marinig o maramdaman kanina pagkatapos akong
mapahiga sa lupa maliban kay Xei..
Napatingin nalang ako sa kanyang
likuran habang naglalakad ito papalayo sa aking kinaroroonan saka ko inilingon
ang aking ulo sa estatwang halimaw sa aking harapan..
“tanginang halimaw ka, hindi ko
alam kong anong klaseng halimaw ka pero wag na wag kayong umabala sa aming
misyon at kanina pa ako nagugutom!” ang aking naiinis at galit na saad sa
halimaw na naging bago sa aking harapan..
Putcha kasing misyon to ang hanapin ang isang bata eh marami namang
bata sa kaharian ehh baka nga kinantot ko pa yun sa harapan nila pag nakita ko
yun eh, dagdag pa ang mga pisting halimaw na ito na bigla bigla na lamang
susulpot ng walang abiso.
Napaharap na lamang ako sa kanan
saka nagsimulang inihakbang ang aking mga paa at bakas sa aking mukha ang
pagsimangot dahil sa nararamdamang gutom at inis.. nagsimula akong maglakad
patungo sa direksiyon kung saan din naglalakad si Xei at hindi pa man ako
nakakalayo sa aking kinatatayuan ay may napansin na lamang akong bagay sa lupa
hindi kalayuan sa akin.
Naglakad ako patungo sa
kinaroroonan ng bagay na nasa lupa na siyang ikinakunot ng aking nuo ng makita ang
isang nakapulupot na tela na para bang may binabalot ito.
Iniyuko ko ang aking likod saka
inabot ng aking kanang kamay ang nakapulupot na tela sa lupa saka ito dinampot
at agad ko namang itinuwid kaagad ang aking katawan habang nakayuko ang ulo at
nakatingin sa aking hawak.
Mukhang naiwan ata ito ng tao nung hinahabol ng halimaw, pagkain ata
ito saktong sakto at kanina pa ako nagugutom.
Napangise na lamang ako ng
malapad saka inangat ang aking ulo at nakita na lamang ang aking kaibigan na
nakatalikod sa akin at naglalakad papalayo.
“sandali Xei meron akong nakita”
ang aking malakas na saad sa kanya ngunit para bang wala itong narinig at
patuloy lamang sa paglalakad papalayo na siyang ikinabuntong hininga ko na
lamang.
Bwesit naman ohh.. asan na ba ang batang iyon at anong klaseng
kapangyarihan ang naramdaman ni Xei na siyang dahilan ng pagkawala ng mga
halimaw.. pweding magpahinga muna.
Inilapit ko ang hawak na tela
patungo sa kanang balakang ko saka isiniksik paloob ang dulo ng tela sa
sinturon ng aking espada na siyang bahagyang mahigpit ang pagkakasuot upang
maipit ito at hindi tuluyang malaglag.
Nang masiguro ko na hindi ito
malalaglag ay iniangat ko ang aking ulo at nakita na lamang si Xei na masyado
ng malayo mula sa akin habang patuloy lamang ito sa paglalakad. Inihakbang ko
nalang din ng tuluyan ang aking mga paa at nagsimula ng maglakad patungo sa
kanya..
Patuloy lamang kaming dalawa sa
paglalakad na may iilang metro ang distansiya kung saan nauuna si Xei at
nahuhuli ako ng bahagya. ilang sandali na lamang sa aking paglalakad ay
naaninag ko na lamang ang liwanag mula sa malayo habang nakaangat ang aking tingin
hanggang sa nakita ko ang asul na kalangitan.
“Mukhang nakarating na tayo sa
labas ng gubat” ang aking saad habang naglalakad kung saan nakita ko nalamang
ang higanteng puno sa harapan kung saan ay napatigil si Xei sa kanang bahagi
nito.
“Hindi ito ang labas Sylve” ang
seryosong saad ni Xeo habang patuloy lamang ako sa paglalakad dahil nahuli ako
ng bahagya hanggang sa nakarating ako sa kinatatayuan ni Xei na siyang
nakatingin lamang sa malayo..
Inilingon ko ang aking ulo kung
saan ay nakita ko nalamang ang malapad na patag na siyang nagkukulay berde ang
paligid at walang gaanong punong nakatayo ngunit ang pumukaw sa aking atensiyon
ang isang maitim na usok sa langit hindi kalayuan sa aming kinatatayuan..
“ngayon lang ako nakapunta sa
lugar na ito maliban sa ibang Nayon na malapit din sa gubat na ito” ang aking
saad habang nakatayo sa ilalim ng higanteng puno at nakatingin sa malayo kung
saan nagmumula ang usok..
“ganun din ako, tara na” ang
kanyang seryosong saad habang nakatingin sa malayo kung saan naroroon ang Nayon
at nagsimulang tumakbo sa daan patungo dito. nagsimula na rin akong tumakbo
upang sundan si Xeo habang nakatingin sa maitim na usok mula sa Nayon.
Hindi ko alam na may maliit na Nayon sa lugar na ito at mukhang hindi
nakaligtas sa mga kinginang halimaw na iyon. dito na rin kaya namin matatagpuan
ang bata at sana ay ligtas ang mga taong nakatira sa Nayon.
Hahahhah sigurado po na palaging nageenjoy yung bata sa ampunan. Grabe tuloy yung imaginasyon ko about sa mga halimaw. Godbless po!
ReplyDelete